^

Punto Mo

Propesor sa China, pag-inom ng matapang na alak ang ginawang exam sa kanyang mga estudyante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG college professor sa China ang nasuspinde matapos niyang painumin ang kanyang mga estudyante ng matapang na alak bilang kanilang huling pagsusulit.

Pinainom ni Professor Gu Ming ang kanyang mag-aaral ng tig-iisang baso ng baiju, na isang napakatapang na alak na may taglay na 40 hanggang 60 porsiyentong alcohol.

Traditional Chinese Medicine ang itinuturo ni Gu Ming sa Guizhou Anshun Vocational Institute at ayon sa kanya, pinainom niya ng alak ang kanyang mga estudyante upang maging handa sila para sa mga hamon ng buhay.

Isa-isang inihilera ni Gu Ming ang mga basong naglalaman ng baiju sa mesa na nasa kanyang opisina kung saan tinipon niya ang kanyang mga estudyante para sa kanilang “final exam.”

Binigyan ni Gu Ming ng perpektong marka ang mga nakaubos ng isang baso ng baiju samantalang 90 lamang ang kanyang ibinigay sa mga nakalahati ang laman ng kanilang baso. Kung hanggang sipsip lang ang kaya ng estudyante ay 60 lamang ang makukuha niyang grado samantalang bagsak na marka naman ang makukuha ng mga hindi iinom.

Marami ang nakakakuha ng mataas na marka sa klase ni Gu Ming ngunit marami din ang natagpuang lasing sa loob ng kanilang campus. Hindi naman natuwa ang deputy director ng kolehiyo sa ginawa ni Gu Ming, na agad nasuspinde sa pagtuturo.

Kumalat sa Internet ang mga larawan ng mga estudyanteng umiinom ng alak sa harap ni Gu Ming kaya pinutakti rin ng batikos ang professor sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with