^

Punto Mo

Sampaguita (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINAKLIT ni Levi ang damit ni Sampaguita. Na­punit sa may bahagi ng kaliwang dibdib. Umalagwa ang malusog na boobsie ni Sam na noon ay hindi pa nagkakamalay. Natakam si Levi sa pag-alagwa ng boobsie. Sa tipo ay wala pang nakakahawak sa boobsie. At naisip ni Levi, siguradong birhen pa si Sam. Siguradong wala pang pingas ang pagkababae nito.

Wala nang makakapigil sa kanya para angkinin nang buung-buo si Sam. Pero gusto niya ay dahan-dahan ang pag-angkin dito. Gusto niyang ma­lasap ni Sam ang bangis ng kanyang pagkalalaki at ganundin naman ang ganti niya rito dahil sa pakikipagkutsaba kay Sir Manuel. Walang kamalay-malay si Sam na nabisto na niya ang planong paghihiganti. Siya ngayon ang magdurusa dahil nagpagamit kay Sir Manuel. Pero magkikita rin naman silang dalawa sa langit pagkaraang maisagawa ang balak niya kay Sampaguita. Baka magkasabay pa sila ni Sir Manuel sa pag-akyat sa langit, ha-ha-ha!

Pinagmasdan ni Levi si Sam. Akalain ba niyang babagsak sa kamay niya ang babaing ito? Masyado rin siyang pinahirapan ni Sam. Tinakam nang todo. Naliligo nang hubu’t hubad sa swimming pool. Ibang klase si Sam.

Inililis niya ang laylayan ng palda ni Sam. Gusto niyang masilayan ang ipinagmamalaki nito. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglilis. Hanggang sa malantad ang mga hita ng dalaga. Napakakinis ng balat. Halatang wala pa ring nakakahawak sa hita o binti nito. Siya marahil ang una. First time sa buong buhay niya na makakahawak ng birhen.

Itinaas pa niya ang layla-yan. Hanggang sa malantad na ang kapirasong itim na saplot. Pinagmasdan niya iyon. Marami na rin siyang napa­kialamang babae pero kakaiba si Sam. Perpect ang beauty nito. Hindi nakakasawa. Mas magan­da pa si Sam kaysa kay Ylang-Ylang. May kakaibang ganda si Sam na wala kay Ylang-Ylang.

Pero kahit pa nakahihigit si Sam kay Ylang-Ylang, halos pareho rin ang malalasap niya. Lulurayin din siya ni Levi. Walang makakaligtas kay Levi. Wawasakin niya lahat ang mga anak ni Eba.

Habang nakatitig si Levi sa alindog ni Sam ay nagbalik sa kanyang alaala ang tagpo noong siya ay siyam na taong gulang. Nahuli niya sa banyo ang kan­yang mama na katalik ang ka­nilang boy. Nagtataksil ang kan­yang mama. Ang kanyang papa ay nasa probinsiya sapagkat binibisita ang mga project dun. Mataas ang posisyon ng kanyang papa sa Napocor.

Shock siya sa nakitang tagpo sa banyo. Napakasama ng kanyang ina. Bakit ganoon ang kanyang mama?

Maraming beses niyang nahuli ang pagtatalik ng kanyang mama at ng boy. At lalong lumaki ang galit niya sa kanyang mama. Kinawawa nito ang kanyang papa. Iniputan sa ulo.

Hanggang sa makadama si­ya ng galit sa lahat nang babae.

Lahat ng mga babae ay pare-pareho! Walang mapapagkatiwalaan. Lulurayin niya ang lahat nang mga babae!

Bigla niyang hinawakan ang garter ng saplot ni Sam para ibaba. Simula na ng pagluray sa isa pang anak ni Eba.

Pero bago niya nabatak ang saplot ni Sam, tumunog ang kanyang iPhone. Buwisit! Istorbo! Sinagot niya.

Si Banjo ang nasa kabilang linya!

‘‘Bossing Levi, sinusundan na namin si Sir Manuel.’’

‘‘Bakit ikaw? Di ba iba ang gagawa?’’

‘‘Ako na lang ang titira kay Sir Manuel. Umatras ang kausap ko.’’’

‘‘Anong sasakyan n’yo?’’

“Kotse. Mahirap kapag motor. Madaling makilala. Ma­maya-maya lang, dedbol na ang matanda.’’

“Pagbutihan mo Banjo. At saka wala akong alam d’yan.’’

“Oo, Bossing. ’Yung bonus ha?’’

“Ako ang bahala. Basta sinabi ko, ginagawa ko.’’

Samantala, nagkamalay na si Sampaguita. Takang-taka siya sa ayos niya. Binalikan niya ang mga nangyari. Hanggang sa maalala niyang magkasama sila ni Levi at bigla siyang inantok nang makainom ng juice. Si Levi ang may kagagawan niyon!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

KANYANG

KAY

LEVI

NIYA

PERO

SAM

SHY

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with