^

Punto Mo

Sampaguita (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makapasok si Sampaguita sa bahay ay naghihintay na si Ram sa salas.

“Ikaw ang naghagis ng mga boteng may mitsa sa bakuran ni Levi?’’

“Oo. Duda na ako kung bakit matagal kang lumabas. Wala naman akong marinig na sigaw mula sa iyo.’’

“Wala pa namang nang­yayari, Ram pero tama ang ginawa mo.’’

“Bakit?’’

“Sound proof ang isa sa mga kuwarto niya sa salas. Kung sisigaw ako, hindi mo rin ako maririnig. ‘’

“Tama pala ang ginawa ko. Mabuti na lang at naisip ko ang Molotov bomb.’’

“Nagulat nga kami. At alam mo, may baril pala ang hayup! Biglang binunot nang marinig ang pagsabog. Baba­rilin niya ang naghagis.’’

“Mabuti pala at hindi niya ako nakita nang ihagis ko ang mga bote. Baka binaril ako.’’

“Oo nga. Handang pumatay ang taong iyon.’’

“Pero mabuti at hindi ka nadala ng hayup sa kanyang sound proof na kuwarto.’’

“Kung tinanggap ko ang ini­aalok niyang juice at cookies baka dun ako dadalhin at ilulugso ang puri.’’

“Kaya pala ganun na lamang ang pagdududa ko kanina nang hindi ka pa lumalabas mula sa bahay.’’

“Alam mo Ram, kinabahan ako kanina. Nagsisi ako kung bakit nagtungo sa bahay ng hayup.’’

“Di ba pinayuhan din kita na huwag ituloy ang balak mo pero itinuloy mo pa rin.’’

“Sorry Ram. Hayaan mo at hindi na mauulit yun.’’

“Kung huwag mo na kayang ituloy ang balak na paghihiganti. Sabihin mo kaya kay Sir Manuel na ayaw mo na.’’

“Huwag! Naipangako ko na. At saka gusto ko talagang iganti si Ylang-Ylang. Itu­tuloy ko ito, Ram.’’

“Pero mapanganib pala ang taong ‘yun.’’

“Basta mapapaibig ko siya at saka iiwan. Iiyak siya nang dugo, Ram!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALAM

ANG

BAKIT

BIGLANG

OO

PERO

SIR MANUEL

SORRY RAM

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with