^

Punto Mo

EDITORYAL – Dakmain, mga taxi driver na holdaper

Pang-masa

CHECKPOINT sa mga taxi na pumapasada sa Metro Manila ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ito ang dapat at sana ay noon pa isinagawa para nabigyan nang seguridad ang mga pasahero ng taxi. Sabi ng Philippine National Police (PNP), beinte kuwatro oras ang checkpoint sa Metro Manila ngayong panahon ng Kapaskuhan. At kasama nga sa isasailalim sa checkpoint ang mga taxi. Kadalasang ang mga naka-motorsiklo lang ang isinasailalim sa checkpoint dahil sa lumalalang kriminalidad dulot ng riding in tandem.

Ayon sa NCRPO, paparahin nang maayos ang mga pumapasadang taxi at direktang tatanungin ang mga pasahero kung maayos naman ang drayber nito. Titingnan din ang loob ng taxi at baka may taong kasabwat sa panghoholdap.

Nitong mga unang araw ng Disyembre, sunud-sunod ang mga panghoholdap sa mga pasahero ng taxi at ang nagsasagawa ay mismong drayber nito. Mayroon pang pasahero na hinoldap na ay binaril pa sa mukha. Mabuti na lamang at nakaligtas ang pasahero.

Mayroon ding mag-ina na sumakay ng taxi sa NAIA Terminal 3 pero ilang minuto pa lamang nakalalayo sa airport, hinoldap na sila. Tinutukan sila ng baril. Kinuha ang kanilang cell phone. Halos nagka-trauma ang anak dahil sa panghoholdap.

Ayon naman sa ibang nabiktima, may kasama o kakutsaba ang taxi driver. Ang kakutsaba ay nasa unahang upuan at nakasubsob doon kaya hindi agad nakikita ng pasahero. Pagsapit sa madilim na lugar ay saka magpapakita ang kakutsaba at hoholdapin ang pasahero.

Hindi sana ningas-kugon ang kampanyang ito ng PNP. Nararapat paigtingin ang checkpoint para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na ngayong Kapaskuhan. Huwag hayaang mabiktima ng mga masasamang loob ang mga kawawang pasahero.

Kumilos din naman sana ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para agad masampahan ng kaso ang mahuhuling taxi drayber-holdaper at para mapanagot din ang kompanya o operator nito. Tumulong din naman ang mabubuting taxi drayber na mahuli ang mga masasamang drayber na nagpapasira sa kanilang imahe.

vuukle comment

AYON

KAPASKUHAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAYROON

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAHERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with