^

Punto Mo

EDITORYAL - Basura sa sementeryo

Pang-masa

BUKAS, dadagsa ang mga tao sa sementeryo sa buong bansa para gunitain ang mga namayapang mahal sa buhay. Sa mga sementeryo sa Metro Manila, tila isang pista ang Nobyembre 1. Sa araw ding ito, nagkakaroon ng reunion ang magkakamag-anak. At kahit pa pinagbabawal ang mga inuming nakalalasing, may nakakalusot pa rin. Maraming pagkain ang pinagsasaluhan. Masaya ang pagkikita-kita sa loob ng sementeryo.

Ang problema ay pagkatapos ng kasayahan. Ang mga basura ng mga nag-reunion ay basta na lamang iniiwan. Mga supot ng pagkain, pinagbalutan ng litson, tray ng prutas, lata ng beer, softdrinks, bote ng ketchup at lechon sauce. Idagdag pa ang supot, plastic bag, cup ng noodle soup at sache ng 3 in one coffee at kung anu-ano pang mga basura.

Nagmistulang malaking basurahan ang mga sementeryo sa buong bansa. Kahit nagbabala ang mga awtoridad na kanya-kanyang pulot ng basura ang mga dadalaw sa sementeryo, hindi ito ma­ipatupad. Marami pa rin ang mga suwail na iiwan na lang ang kanilamg mga basura.

Noong nakaraang taon, 35 truck ng basura ang nakuha sa ilang malalaking sementeryo sa Metro Manila. Pinakamaraming nakuha sa Manila North Cemetery at sa Manila South Cemetery. Ayon sa MMDA, ang mga nakolektang basura ay karaniwang mga hindi nabubulok. Ang mga ito ang bumabara sa mga daluyan ng tubig sa panahon ng tag-ulan. Hindi masosolusyunan ang pagbaha hangga’t may mga walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Paalala: Huwag iwan ang mga basura sa sementeryo ngayong Undas.

 

vuukle comment

AYON

BASURA

HUWAG

IDAGDAG

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA SOUTH CEMETERY

METRO MANILA

SEMENTERYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with