^

Punto Mo

Manong Wen (35)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“M AHAL din daw ako ni Gemma. Kung ano raw ang nararamdaman ko para sa kanya, iyon din ang nadarama niya para sa akin. The feeling is mutual daw,” pagkukuwento ni Jo kay Princess. Si Princess naman ay halos walang katinag-tinag sa pakikinig at halatang excited sa kanyang ikinukuwento.

“Sabi ko kay Gemma, siya ang una kong nobya. Mayroon akong mga nagugustuhan noon pero dahil mahiyain ako, hindi ko nagawang ligawan. At ngayong makita ko siya, nagkaroon na ako ng lakas ng loob. At hindi ako nabigo dahil gusto rin pala niya ako.’’

Nagtanong si Princess, “Siya po ba talaga ang una mong siyota, Mang Jo?”

“Oo. Siya nga ang una.’’

“Kaya po siguro mahal na mahal mo siya.’’

“Oo. Talagang nadama ko iyon. Gusto ko na nga agad siyang pakasalan. Sabi ko sa sarili ko, uubusin ko ang aking­ ipon para siya pakasalan. Kapag mahal ko ang babae, lahat ay gagawin ko at lahat ay ibibigay ko. Ganun ako magmahal.’’

“E di niyaya mo po siyang pakasal?”

“Oo. Sabi ko, sabay ka­ming magbabakasyon sa Pinas at idaraos ang aming kasal. Siya ang pumili kung saan niya gustong simbahan  magpakasal at kung saan gaganapin ang reception. Sabi ko mayroon akong sapat na halaga para sa aming pagpapakasal. Wala siyang dapat alalahanin. Basta ang gusto ko, maging engrande ang aming kasal.’’

“Ano po ang sagot niya?”

“Nagulat siya. Manghang-mangha sa mga sinabi ko. Gi­nulat ko raw siya. Hindi raw niya akalain na ganoon kabilis akong magpasya. Pag-iisipan daw niya. Sabi ko naman bakit dapat pa niyang pag-isipan. Nagmamahalan namin kami kaya wala nang dapat pang isipin. Sabi niya saka na lang muna pag-usapan iyon. Ang pag-usapan lang daw muna namin ay ang ngayon. Huwag daw munang mamroblema sa pagpapakasal dahil darating kami roon.’’

“Para pong tutol siya o hindi pa talaga handa?”

“Parang hindi pa siya handa.’’

“Ano po ang nangyari?”

“E di hindi muna namin pinag-usapan iyon. Lagi kaming nagkikita. Paglabas ko ng opisina, deretso ako sa tirahan niya at may nangyari sa amin. Pero siya ang may gusto niyon. Ako naman dahil lalaki ay natukso na sa kanyang alindog. Talagang maganda kasi si Gemma. Sabi ko, kaming dalawa rin naman ang magkakatuluyan kaya sige na. Pakakasalan ko naman siya kaya walang problema kung mabuntis ko man…’’

“May nangyari po?”

“Oo.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

ANO

MANG JO

NIYA

OO

SABI

SI PRINCESS

SIYA

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with