^

Punto Mo

Manong Wen (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AGAD namang iniba ni Jo ang usapan. Tina­nong niya si Princess kung hindi naman nahihirapan sa pagluluto at pagtitinda ng bibingka gayung pumapasok ito sa school sa umaga.

“Sanayan din po Mang Jo. May sistema po ako kaya balewala na sa akin ang gina­gawa ko. Gaya po ngayon, ang mga niluto kong bi­bingka ay ititinda ko ng alas tres ng hapon. Kasi nasanay na pong meryenda nila ito kung hapon. Kapag hindi ko sila nahatiran ng bibingka ay magagalit sila sa akin.’’

“May sarili ka nang suki?”

“Opo. Bale ididiliber ko na lang ang mga ito.’’

“Talagang hindi sila nagsasawa sa bibingka mo?”

“Hindi po, he-he-he!”

“Mga ilang oras ang ina­abot mo sa pagtitinda?”

­“Mga isang oras lang po. Kasi bago mag-alas kuwatro ng hapon narito na rin ako.’’

“Binabayaran ka naman sa bawat deliber mo?”

“Opo. Limandaang piso nga po ang kita ko sa loob lamang ng isang oras.’’

“Aba maganda nga palang business ang bibingka ano, Princess?”

“Opo. Pero mangyayari po yun kung may kalidad ang produkto. Kung siguro ay hindi ko pinagbubuti ang pagluluto ng bibingka, baka walang bumili­ sa akin. Mahalaga po talaga ang quality at ang pa­giging malinis.’’

“Mahusay ka talaga, Princess­.’’

“Salamat po.”

Nang mag-alas tres ay nagpaalam si Princess kay Jo.

“Idideliber ko lang po ang mga bibingka. Habang hinihintay mo po ako ay kumain ka ng bibingka at humigop ng kapeng barako. Kumuha ka lang po. Huwag kang mahihiya, Mang Jo. Babalik po ako ng 4:00 p.m.”

“Sige Princess, mag-ingat ka.’’

Habang naghihintay kumain nga siya ng bibingka at nagkape. Napakasarap talaga ng bibingka ni Princess.

Wala pang alas kuwatro ng hapon ay dumating na si Princess. Ubos ang bibingka!

“Ang bilis mo, Princess! Kumita ka na agad?”

“Opo. Five hundred pesos po ang kinita ko.’’

“Hanga na ako sa’yo. Napakahusay mo, Princess.’’

“Salamat po uli.’’

Nang mag-alas singko ay nagpaalam na si Jo kay Princess. Luluwas na siya ng Maynila.

“Aalis na ako Princess.’’

Nalungkot si Princess.

“Dito ka na po matulog, Mang Jo.”

Natigilan si Jo.

(Itutuloy)

vuukle comment

BIBINGKA

HABANG

KASI

MANG JO

NANG

OPO

PRINCESS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with