^

PSN Showbiz

Lady executive na maraming nadispalkong TF ng isang network, kuntento sa pagiging negosyante sa isla!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang impormante namin ang nagkuwento na nakita nila sa isang dina­dayong probinsiya sa bandang Norte ang isang dating ehekutibo ng isang malaking network na natanggal sa posisyon dahil sa pakikialam sa suweldo ng mga kontratado nilang artista.

?Matagal bago nadiskubre ng istasyon ang mga ginagawa ng babaeng ehekutibo. Kinukuha niya ang talent fee ng mga artista sa cashier, kung paano niya napapapalitan ang mga tsekeng wala sa kanyang pangalan ay siya lang ang nakakaalam, nabunyag lang ang kanyang modus nang magreklamo ang dalawang aktor na parehong alaga ng isang sikat na manager.

?Kuwento ng aming source, “Sinayang niya ang napakagandang future na naghihintay sa kanya sa network. Isa siya sa mga original du’n, pinagkatiwalaan siya ng network, pero sinira niya ang opportunity na ‘yun.

?“Imagine, kundi pa nagreklamo ang dalawang male personalities, e, hindi pa magkakabukingan na pinakikialaman pala niya ang talent fee ng mga artista nila sa station!

?“Nagtataka ang ibang personalities kung bakit minsan, e, nakatseke ang TF nila, pero kung minsan naman, e, cash. ‘Yun pala, e, ginagalaw ‘yun ng executive, ipinare-rediscount niya, iniikot niya ang pera ng mga artista nila!” paliwanag ng aming impormante.

?Matagal na nawala ang ehekutibo, nagtago siya sa kung saan-saan, sobrang kahihiyan naman kasi talaga ang ginawa niya sa mga artista ng kanilang network.

?Hanggang sa isang araw, nang magbakasyon ang isang grupo sa isang probinsiyang dinadayo ng mga turista ay nakita nila ang dating ehekutibo ng network, hindi sila maaaring magkamali dahil naging boss siya ng mga ito nu’ng OJT pa lang ang tropa.

?“E, alam na namin ang kuwento dahil nasa network na ngayon ang ibang mga kasamahan namin. Hinahanap namin sa kanila si Ms. ____(pangalan ng network executive), pero wala na raw. Nakadispalko raw ng pera ng mga contract stars ng station.

?“May shop siya sa probinsiya, mga native products ang laman ng shop niya. Sayang na sayang siya, EP namin siya nu’ng time na mga OJT pa lang kami,” pagtatapat ng nakakita sa babaeng personalidad.

?Maraming naghahanap sa kanya, marami kasing kaibigang nautangan din ng lady executive, pero dekada na ang nakararaan ay hindi niya man lang kinukumusta ang mga taong inabala niya.

?Ubos!

Fans ni Alden sa Sydney hindi magkamayaw

Pasasayahin ng Pambansang Bae ang ating mga kababayan sa Sydney, Australia sa Sabado nang gabi. Maraming Pinoy sa Sydney, may isang lugar du’n na puro Pilipino ang naninirahan, nandu’n sina Emer at Annalyn Arago na mga anak-anakan namin.

?Kahapon nang umaga ay tinawagan kami ng mag-asawa para ipaalam sa amin na marami silang nakabili na ng tickets sa gagawaing concert ni Alden Richards kasama ang komedyanteng si Betong Sumaya.

?“Ninang, maraming fans dito si Alden. Ang mga anak ko lang, hindi magkamayaw nu’n pa, dahil makikita na nila nang personal ang idol nila!” kuwento ni Emer na dati naming pambatong basketball player.

?Maraming kuwento ang mag-asawa, may mga kababayan pa raw tayong naka-base sa Melbourne na dadayo sa concert ni Alden, ayaw na raw maghintay ng mga ito kaya nagpabili na rin ng tickets sa kanila.

?“Malaki ang venue ng concert ni Alden, marami nang Pinoy na nag-show sa Evan Theatre Panthers, siguradong mapupuno niya ‘yun dahil parang soldout na ang tickets.

?“Nababaitan kasi kami kay Alden, saka ang guwapu-guwapo pa niya. Buong mag-anak kaming manonood sa show niya,” balita naman ni Annalyn na medyo kinikilig pa habang nagkukuwento.

?Ang magagandang katangian ng mga artista ay bumibiyahe sa iba-ibang bansa, nalalaman ng mga kababayan natin ang mga istorya tungkol sa mga sikat na personalidad, kaya positibo para sa imahe ni Alden ang magagandang kuwento tungkol sa kanyang ugali.

?Isang patunay ito na anuman ang mangyari, wala man si Maine Mendoza, ay patuloy na mamamayagpag ang career ng Pambansang Bae. May puhunan na kasi siya, hindi pa man sila nagpapareha ng Dubsmash Queen ay may career na si Alden Richards, may matibay na siyang pundasyon.

?Anumang paninira ang ibato laban sa singer-actor ay mawawalan lang ‘yun ng saysay, kaya huwag nang mag-effort pang manira ang mga walang magawa d’yan, walang saysay ang kanilang paninira.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with