^

PSN Showbiz

Nash napansin na sa pagdidirek

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nash napansin na sa pagdidirek

Nash

Congratulations kay Nash Aguas na rumaratsada sa kasalukuyan sa The Good Son. Sa kanya nakatutok ngayon ang kuwento na anak pala sa pagkakasala ng kanyang ina.

Maganda ‘yung mga eksena nila ni Alexa Ilacad na kapareho niya ay lume-level up na rin ang karera.

Kapuri-puri na bukod sa pagiging isang mahusay na artista ay nagsisimula na rin si Nash na magdirek. May mga short film siya na ginawa at mapapanood sa ABS-CBN mobile digital sitcom na pinamagatang Coffee Break, tungkol ito sa mga kabataang magkakaibigan na nagba-bonding over a cup of coffee. Obvious na sa mga unang episode ng CB ay malaki ang potensyal ni Nash na maging isang mahusay na direktor.

Mag-aral pa siya nang mabuti at magpaturo sa mga mahuhusay nating direktor na marami ang Kapamilya at siguradong isa siya sa mga magiging in demand na direktor.

Jason damay sa magiging kapalaran ng GF sa Bb. Pilipinas

Kailangang may patunguhan ang pagsali ng alumna ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Vickie Rushton sa Bb. Pilipinas para kahit paano ay makatulong siya sa pag-unlad ng karera ng boyfriend niyang si Jason Abalos na nagsisimulang muli ng pag-aartista sa GMA. 

Unfortunately, kinakailangan ni Jason na magsimula from the ranks sa bago niyang network. Marami ang magseselos kapag agad-agad ay bida siya sa unang proyekto niya sa Kapuso.

Pero kapag nanalo ang nobya niya sa Binibining Pilipinas, madadala nito ang pangalan niya’t mapag-uusapan din siya. Ingat lang si Vickie dahil may mga malalakas siyang kalaban na tulad niya ay pamilyar na rin ang panglan at mukha sa publiko.

Sa Q&A na lang sila magkakatapat nang husto.

Dennis may tendency na tabunan ng tatlong babae

Mukhang matatabunan si Dennis Trillo ng tatlo niyang leading lady sa The One That Got Away (TOTGA) na sina Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins kahit pa ang istorya ay naka-sentro sa kung sino sa tatlong ex niya sa serye ang pipiliing makabalikan.

Wala naman itulak kabigin sa tatlong artistang babae na may may kanya-kanyang ganda at sari­ling istilo sa pag-arte. Wala talagang magpa­pahuli sa kanila pagdating sa aktingan. Pati si Max na masasabing pinakahuli sa tatlo pagdating sa aktingan ay kumakasa na rin. Hindi siya napag-iiwanan ng dalawa niyang kasamahan sa pagandahan o artehan.

Si Dennis ang dapat magbantay dahil baka sa kagustuhan ng tatlo na makaangat sa isa’t isa ay siya ang mapag-iwanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with