^

PSN Showbiz

ABS-CBN pinakapinanood na network sa buong 2017

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN pinakapinanood na network sa buong 2017

KathNiel at Coco

MANILA, Philippines — ’Di nagiba ang ABS-CBN pagdating sa paghahatid ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral sa parehong urban at rural homes sa buong bansa noong 2017 matapos makamit ang national audience share na 46% ayon sa datos ng Kantar Media.

Namayagpag ang ABS-CBN sa mas mara­ming tahanan sa bawat parte ng bansa mula Ene­ro hanggang Disyembre ng nakaraang taon, parti­kular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 40%. Tinutukan din ang mga palabas ng Kapamilya network sa Total Ba­lance Luzon kung saan nagkamit ito ng ave­rage audience share na 48%, sa Total Visayas kung saan nakapagrehistro ito ng 53%, at sa Total Mindanao kung saan nakakuha ito ng 53%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebis­yon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Patuloy na nanguna sa national TV ratings ang ABS-CBN noong Dis­yembre matapos mag­­kamit ng average au­dien­ce share na 45%, kumpara sa GMA na mayroon lamang 34%.

Matapos ang higit dalawang taong pag-ere sa telebisyon, hindi pa rin natitinag ang  FPJ’s Ang Probinsyano at malugod pa ring tinanggap sa tahanan ng mga manonood sa pagtala nito ng average national TV rating na 38.6%.

Sinundan ito ng pinag-usapang reality-talent show para sa celebrity kids na Your Face Sounds Familiar Kids na nagkamit ng average national TV rating na 35.7%.

Nakiisa rin ang sambayanan sa katuparan ng mga kabataang boses ang puhunan sa kauna-unahang edisyon sa Asya ng The Voice Teens na nakakuha naman ng 34.4%.

Lubos namang inabangan ang pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa La Luna Sangre (33.8%) na kina­sabikan din dahil sa muling pagsasama nina Angel Locsin at Richard Gu­tierrez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with