PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anne inggit, Rachelle Ann si Keira Nightly naman ang naka-selfie!

Rachelle Ann Go at Keira Knightly

After Emma Stone, si Keira Knightly naman ang nakita ni Rachelle Ann Go at nakapagpa-picture pa siya sa English actress. Nanood ng Hamilton si Keira Knightly.

“What a way to end the year @hamilton  westend with Keira Knightly in the crowd! I have to be honest...I freaked out #girlcrush,” post ni Rachelle sa Instagram (IG).

Ang daming nainggit kay Rachelle na nakita at nakapagpa-picture siya kay Keira. May local celebrities din na nag-comment gaya ni Anne Curtis.

Max tatlong anak ang plano

Hindi nagmamadaling magkaanak ang bagong kasal na sina Pancho Magno at Max Collins. Sabi ni Max, napag-usapan nila itong mag-asawa at pareho ang kanilang desisyon na after a year of their wedding, (December 11, 2017) pa bago nila gugustuhing magka-baby.

“Kapag nagka-baby kami, gusto ko three babies at okey sa amin babae man o lalaki. Kaya lang, ‘wag agad-agad, mahirap mag-alaga ng bata, gusto muna namin ni Pancho, magkaroon ng time together, as a couple. Saka, wala pa ka­ming sariling bahay, magta­trabaho muna kami,” sabi ni Max.

Sobrang thankful si Max dahil pareho silang may show ni Pancho nang sila’y ikasal. Si Pancho ay kasama sa Afternoon Prime na Haplos na na-extend. Si Max naman ay kasama sa cast ng The One That Got Away na kahit sexy ang tema ay okay kay Pancho. Madalas nga raw, sexy ang outfit niya dahil ang role niya bilang si Darcy ay gym instructor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod sa tuluy-tuloy na trabaho, looking forward si Max this year ng more travel nila together ni Pancho. Uunahin nila ang Italy, kung saan nila gustong mag-honeymoon.

Samantala, first time ni Max to work with Dennis Trillo na gaganap na ex nila pare-pareho nina Lovi Poe at Rhian Ramos.

“Dennis is so quiet. It’s funny nga dahil ang ingay-ingay namin nina Lovi at Rhian sa taping. Si Dennis, tahimik lang at nakatingin lang sa amin. Nakakahiya dahil ngayon ko lang siya nakatrabaho at nakilala. Nagso-sorry kami sa kanya sa ingay at gulo namin, ngumingiti lang siya. But as an actor, ang galing umarte. Tahimik lang siya, pero ‘pag umarte na, ang galing,” sabi ni Max.

Ang sabi, sa Jan. 15, na ang pilot ng TOTGA sa direction nina Maryo J. Delos Reyes at Mark dela Cruz. “Masaya, nakakatuwa at maraming matututunan” ang description ni Max sa bagong primetime ng GMA 7.

Yasmien kapani-paniwalang may sakit

Ang ganda ng teaser ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Lalo na ‘yung solo teaser ni Yasmien Kurdi kung saan, iniiwasan siya ng mga tao dahil baka mahawaan ng sakit. Habang isa-isang lumalapit sa tao si Yasmien, unti-unti ring pumupula ang suot niyang white dress.

HIV positive patient kasi ang role ni Yasmien sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7, nahawaan ang karakter niyang si Thea nang ma-rape ng karakter ni Martin del Rosario.

Excited si Yasmien dahil kahit mabigat ang tema ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ay maraming aral ang matututunan dito. Isa na rito ang kaibahan ng HIV sa AIDS at lilinawin. Ituturo rin ng soap ang mga dapat gawin para hindi magkasakit ng HIV. May consultant na laging present sa taping ang HKKIK at bago magsimula ang taping ay sumasailalim muna ng seminar sina Yasmien, Jackie Rice, Martin, at Mike Tan. Si Neal del Rosario ang director ng HKKIK.

Direktor pinagbantaan dahil sa ‘taguan’ nina Heart at Alexander

Last eight days na lang ang natitira sa My Korean Jagiya at siguradong matutuwa ang viewers ng rom-com series na gustung-gusto nang magkita sina Gia (Heart Evangelista) at Jun Ho (Alexander Lee). May mga naiinis nang viewers sa tila pagtataguan nina Gia at Jun Ho.

May nabasa kaming comments sa socmed na inaaway ang head writer ng My Korean Jagiya at sa sobrang galit at inis ay pinagbantaan pa. Pati si direk Mark Reyes ay hindi nakaligtas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: