^

PSN Showbiz

LT kuhang-kuha ni Bambbi!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na ako naabutan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa birthday party ng make-up artist na si Bambbi Fuentes dahil maaga ako na nag-goodbye dahil inaantok na ako.

Ang Manila House Private Club sa Bonifacio Global City ang venue ng sosyal na birthday celebration ni Bambbi noong Biyernes ng gabi.

Hindi OA ang trapik sa EDSA  kaya 5 p.m. pa lang, nakarating na agad ako sa Manila House Private Club, kahit 6:30 p.m. ang imbitasyon ni Bambbi.

Wala pa ang ibang mga bisita nang dumating ako kaya naabutan ko pa si Bambbi na nagpa-practice ng kanyang dance number. Worried nga si Bambbi dahil hindi niya ma-memorize ang dance steps ng I’m Coming Out.

Patakas na ako sa venue nang biglang bumulaga sa elevator si Lorna Tolentino na pinipigilan ako na umalis. Maligayang-maligaya si Bambbi sa pagdating ni LT dahil ito raw ang idol niya noong bagets pa siya. Knows ko na ngayon kung bakit mala-LT ang mga pose ni Bambbi sa exhibit ng kanyang mga litrato sa entrance ng venue ng party niya.

Roxanne at Will magaling magtago ng kanilang hiwalayan

Bago ako nag-babu sa party ni Bambbi, nakita at nakatsikahan ko pa ang ibang mga bisita niya na loyal customers ng kanyang beauty shop sa Timog Avenue.

“Who’s who” sa society ang mga bisita ni Bambbi na sure ako na masayang-masaya dahil kumpleto ang attendance ng pamilya niya na umuwi pa mula sa Amerika para makasama siya sa kanyang special day.

Na-sight ko rin si Jeric Gonzales, ang Kapuso actor na tila hindi kompor­table dahil hindi niya kilala ang ibang mga bisita ni Bambbi.

Hindi na kami nagpang-abot ni Roxanne Barcelo kaya hindi ko siya natanong tungkol sa balita na hiwalay na pala sila ng kanyang boyfriend na si Will Devaughn noong kasagsagan ng promo ng kanilang pelikula, ang I Found My Heart In Santa Fe.

Ang husay magtago nina Roxanne at Will ‘ha? Walang nakaramdam na hiwalay na sila dahil kinilig pa ang mga reporter nang ideklara ni Will habang teary-eyed ang kanyang wagas na pagmamahal sa dalaga.

‘Yun pala, hiwalay na sila at ayon sa source ko, si Roxanne ang nag-decide na tapusin na ang kanilang love affair, kahit mahal na mahal niya si Will. May chance pa ba na magkabalikan ang dalawa? Tanungin natin ang mga BFF ni Roxanne na ginagawa ang lahat para makapag-move on na siya.

Willie first time sa New Year Countdown ng INC

Maraming salamat kay Willie Revillame na very thoughtful at hindi nakakalimot sa kanyang mga kaibigan, kahit matagal na hindi niya nakikita. Natanggap ko noong Biyernes ang surprise Christmas gift sa akin ni Willie na ipinadala nito sa isang tauhan niya.

Sosyal ang staff ng Wowowin dahil nagbakasyon lang naman sila sa bonggang resthouse ni Willie sa Tagaytay.

Bumalik sa Metro Manila noong Biyernes ng hapon ang staff ng game show ni Willie sa GMA 7 dahil maghahanda na sila para sa New Year Countdown show nila ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

First time ni Willie na tumanggap ng Countdown Show kaya sure ako na matutuwa at liligaya nang husto ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na sama-samang sinasalubong ang Bagong Taon sa Philippine Arena.

Hindi lamang ang INC members ang masaya dahil da­may rin ang mga residente ng Bocaue na libreng napapanood ang breathtaking fireworks display sa Philippine Arena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with