^

PSN Showbiz

Susan Roces na-entertain at nagandahan sa modern Panday

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Proud owner ako ngayon ng Jo Malone perfume na napakabango with matching envelope, courtesy of Coco Martin at ng kanyang manager na si Biboy Arboleda.

Shocked talaga ako dahil may sagot agad sa emote ko noong Biyernes na nalulungkot ako dahil hindi ako invited sa preview ng Ang Panday at sa Christmas party for the entertainment press ni Coco.

Maraming salamat kina Coco at Biboy dahil pinasaya nila ako as in parang nanalo rin ako sa bonggang raffle draw. Napasaya rin nila si MJ, ang bagets sa bahay namin na tuwang-tuwa sa Panday sword at Panday items na nakalagay sa loot bag. Thank you talaga at Merry Christmas.

Siyempre, panonoorin ni MJ ang pelikula ni Coco na official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.

Nadagdagan ang interes ng bagets sa Ang Panday dahil sa espada ng Panday na similar sa balaraw na ginamit ni Coco sa pelikula.

Hindi nag-iisa si MJ dahil libu-libo rin ang mga bata na iniidolo si Coco at hindi na mahintay ang December 25 dahil gustung-gusto na nila na mapanood ang Ang Panday na maganda at entertaining, ayon kay Susan Roces, ang asawa ng original Panday na si Fernando Poe, Jr.

Para sabihin ni Manang Inday na entertaining ang pelikula, nagustuhan niya talaga ang modern day version ng karakter na pinasikat ni Kuya Ron.

Very close sa isa’t isa sina Manang Inday at Coco. Parang tunay na anak ang turing ng Queen of Philippine Movies sa Primetime King ng ABS-CBN dahil sa mga teleserye na pinagsamahan nila kaya sure ako na proud and happy si Manang Inday na ginampanan din ni Coco ang role na very much identified sa asawa niya.

John Lloyd at Ellen parang hollywood stars ang drama

Interested pa rin ang publiko tungkol sa natsitsismis na pagbubuntis ni Ellen Adarna sa baby nila ni John Lloyd Cruz.

Ang dami-daming komento tungkol sa mga litrato nina John Lloyd at Ellen nang magpa-check up ito sa St. Luke’s Medical Center sa The Fort.

May nagpadala sa akin ng pictures at malinaw naman na stolen shots ang mga litrato dahil nakatalikod sina John Lloyd at Ellen.

Kakaunti rin ang mga tao sa paligid kaya parang in confidence talaga ang pagpunta ng dalawa sa ospital pero palihim pa rin sila na nakunan ng litrato.

Hindi pa umaamin at hindi rin nagde-deny sina Ellen at John Lloyd tungkol sa balita na malapit na sila na maging daddy at mommy.

Parang mga Hollywood star lang ang peg nila. Hindi kinukumpirma sa press ang  kalagayan ng mga aktres na nabubuntis dahil may drama ang mga Hollywood star na what you see is what you get.

Baka naghihintay lang sina John Lloyd at Ellen ng tamang panahon bago umamin. Hindi naman sila ang mga tipo ng tao na itatago sa publiko ang katotohanan. Hindi naman mortal sin ang magkaroon ng anak lalupa’t nasa legal age na sila para bumuo ng pamilya.                                     

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with