^

PSN Showbiz

Alex iba ang trip kay Marc Abaya

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala talagang nagawa si Boy Abunda para mapaamin si Alessandra de Rossi sa tunay nilang relasyon ni Marc Abaya.

Pero marami ang nagulat nang sabihin ni Alex na ang “kaibigan” niyang si Marc ang tipo niyang kasamang gumawa ng kanta kapag na-stranded siya sa isang isla tulad nang ginawa nilang kolaborasyon sa pag­lik­ha ng theme song ng pelikulang 12 na isinulat ni Alex.

Pinagtulungan na lamang nilang dalawa na buuin ang kanta ng 12 pero, pagdating sa isang relasyon na mahigit pa sa pagkakaibigan ay walang maamin ang aktres.

Hayaan na lang natin si Alex sa kanyang trip, pa­sasaan ba’t lalabas din ang totoo sa tamang panahon. Ang mahalaga ay papurihan natin siya sa mga hangganan na ibinibigay niya sa pagtanggap ng mga role. Not everyone can do it and get away with it.

Robin nakakaiyak ang mga ginagawa

Minsan talaga itong si Robin Hood, este Padilla ay gumagawa ng mga bagay na nakakaiyak. Katulad ng matagal na niyang pagdamay at pagtulong sa mga kababayan natin sa Minda­nao partikular na ang rehabilitasyon ng mga taga-Marawi.

Ang dami  nating mga ka­ba­bayang may kakayahan pero, nagagawa ba nila ang kahit gahibla ng malasakit na ipinamamalas niya?

Hindi niya ring pinaba­yaang hindi madalaw si Isa­bel Granada nang magpunta siya sa Middle East. Ito man lamang ay malaking tulong na sa pag­pa­pa­taas ng moral ng mga nagbabantay sa comatose pa ring pasyente. 

Anne tuloy ang panglilito sa kasal

Hanggang ngayon ay napakalaking palaisipan pa rin ang secrecy sa wedding ni Anne Curtis na magaganap sa buwang ito sa New Zealand. Kanino ba ito ipinaglilihim at ayaw ipaalam eh, lumalabas na rin naman unti-unti ang mga detalye ng kanyang ka­sal? Gusto lang naman ng fans na makibahagi sa happenings. I know of Anne’s fanatics na nagtata­nong kung sa kanila raw ba inililihim ang mga detal­ye?

May chemistry kaya? Aga ipa-partner din kay Bea

So it’s Bea Alonzo as Aga Muhlach’s leading lady para sa kanyang next film project. Maraming pinataob si Bea na mga posibleng makapareha ng nagbabalik na aktor. Let us just hope na magkaro’n sila ng chemistry na tulad ng ibinigay ni Ian Vene­ra­cion kay Bea at ni Richard Yap kay Jodi Sta. Maria.

Baka sa abroad kunan ang nasabing movie.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with