^

PSN Showbiz

Joshua hindi nakasagot ng tama tungkol kay Julia!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Feeling ng fans ay natuloy sa tunay na buhay at nagkaroon sana ng tunay na ligawan sa pagitan nina Julia Barretto at Ronnie Alonte. Sinamangpalad lamang si Ronnie na mas pinaboran ni Julia si Joshua Garcia kaysa sa kanya kung kaya manatili man silang magkapareha sa A Love To Last sa TV, si Joshua naman ang pinalad na maging leading man ni Julia sa Love To The Stars and Back, isang love story na nakasentro sa paghahanap ng isang babae ng aliens at sa proseso ay nakasama niya sa kanyang journey ang isang lalaki na may iba namang hanap at nakiangkas lamang sa kanya.

Siyempre, marami ang exci­ted na mapanood na magkasama sa movie ang kabataang pareha na tanggap na ng manonood ay magkarelasyon sa tunay na buhay. Magkaiba lamang ang mga deklarasyon ni Joshua sa tunay na kalagayan nila ni Julia kung kaya nagkaroon ng kaguluhan sa grand presscon ng kanilang pelikula na palabas na sa Agosto 30.

Bagaman at matagal nang ginagawa ang pelikula ay marami pa rin ang nabilisan sa biglang pagpapalabas nito. Nalagay sa alanganin ang kabataang aktor dahil pinupol siya ng mga katanungan ng press sa kagustuhan nilang mapaamin. May mga pagkakataon kasing sinabi niya na mas priority niya ang trabaho kaysa ang panliligaw kay Julia at may pagkakataon din na inamin niya na nagsimula siya ng kanyang courtship sa dalaga noong Enero pa. Pero nakita naman ng lahat na nasa presscon kung paaano ayaw bitawan ni Julia ang pagkakahawak niya sa braso ni Joshua habang pinapayapa ito dahil hindi niya masagut-sagot ng tama ang pangungulit ng media.

Nagtapos ang presscon sa pakiusap nina Julia, Joshua at maging ng direktor nila ng movie na si Antoinette Jadaone na bigyan ng pagkakataon  ang movie nila na isa pa ring pagtatangka na makabilang sa “hugot” genre.

Kasama rin sa pelikula sina Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel, Maricar Reyes-Poon, Edgar Allan Guzman, Joaquin Reyes, Eda Nolan, at Belle Mariano.

Kathryn mas maangas na kay Daniel sa aksyon

Kapag hindi dinagdagan ni Daniel Padilla ang effort na ipi­na­­mamalas sa kanyang action scenes sa La Luna Sangre, baka maungusan siya ng kanyang kapareha na si Kathryn Bernardo. May bentahe pa naman ang role ni Kathryn bilang Malia dahil nagagamit niyang sandata ang pagiging babae niya, pero bilang Mio ay epektibo rin siya, maangas sa kanyang paggawa ng aksyon, at katanggap-tanggap sa role na isang lalaki.

Kung dati ay pantay lamang ang ratings ng magka-loveteam unti-unti ay naiiwan na ni Kathryn ang kanyang ka-loveteam dahil sa rami ng mga negatibong isyu na kinasasangkutan ni Daniel lately na dapat niyang pakaiwasan.

KZ hinahabol si Inigo

Naunahan na raw ni KZ Tandingan sa Billboard Philippines Top 20 si Inigo Pascual. Siyam na linggo ring namayani sa Billboard Philipines ang Dahil Sa ‘Yo ng anak ni Piolo Pascual na napalitan ng Two Less Lonely People in the World na unang pinasikat ng Air Supply. Theme song ang Two Less... ng box-office hit movie na Kita Kita na si KZ ang kumanta samantalang nasa soundtrack naman ng Korean novela na Weightlifting Fairy ang kanta ni Inigo.

Kailangan lamang malampasan ni KZ ang 9 weeks na record ni Inigo para tuluyang maaagaw ang record na sa tingin ko ay mas kapuri-puri dahil OPM ang awitin ni Inigo kumpara sa sikat na awitin ng American duo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with