^

PSN Showbiz

Aktres ’di sinadyang nasulot ang BF ng singer-actress

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-share ng aktres sa kausap na reporter ang diumano’y panloloko sa kanya ng ex-boyfriend na aktor. Nang ligawan siya ng aktor, sinabi raw nito na break na sila ng noo’y girlfriend ni­­yang singer/dancer/actress.

Huli na nang malaman ng aktres na hindi pa break ang ex-BF sa girlfriend nito at nagkaroon ng overlapping. Nang malamang pinagsabay sila ng aktor ng ex-GF nito, naintindihan ng aktres kung bakit galit sa kanya ang ex ng aktor. Inisip ng ex na inagaw nito sa kanya ang boyfriend.

Hindi na nakaatras ang aktres sa aktor kaya tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon. Pero ngayon, tiniyak ng aktres na walang balikang mang­ya­yari sa kanila ng aktor kahit ligawan uli siya nito.

Heart may pa-beach sa Korean actors

Lalong gumanda si Heart Evangelista sa suot na damit na gawa ni Mark Bumgarner, sa presscon ng My Korean Jagiya. Si Heart yata ang muse ng designer dahil kahit sa Paris, mga damit at gown na gawa ni Bumgarner ang suot nito.

Anyway, excited na si Heart sa pilot ng My Korean Jagiya sa August 21. Sobra ang pasalamat nito sa GMA 7 in giving her the first Pinoy-Korean series. Overwhelmed daw siya “Daebak! On my 19th Year In Showbiz I Got My Korean Jagiya, Gomawo GMA For This Blessing! Saranghae, My Fans!” post ni Heart.

Sa ipinalabas pa lang na trailer sa presscon, nasiyahan na ang Korean stars, lalo na kung masubaybayan nila ang show na sabi ni direk Mark Reyes ay four months tatagal ang airing.

Siya nga pala, matutupad na ang ipinangako ni Heart sa Korean stars na ipapasyal sila sa ibang parte ng bansa. Dahil pagkatapos ng mall show nila this month, se-segue sila sa Sorsogon para mabisita ang hometown ni Sen. Chiz Escudero.

Ang sabi ni Heart, habang nasa Naga sila, mauuna nang pupunta sa Sorsogon si Sen. Chiz para paghandaan ang pagdating nina Alexander Lee, Michelle Oh, Jerry Lee, at David Kim. Excited na rin ang apat na makita ang famous beaches natin.

Samantala, lilipad patungong Switzerland sina Heart at Sen. Chiz sa September dahil may imbitasyon sa kanila ang Filipino Community roon.

Totoo rin palang kasama sa My Korean Jagiya si Raymart Santiago bilang guest.

Gil mahusay humigop

Nahiya at nag-blush si Gil Cuerva nang ipara­ting naming “Higop King” ang tawag at ibinigay na title sa kanya ng fans at viewers ng My Love From The Star dahil sa istilo ng paghalik niya kay Jennylyn Mercado.

Ang sabi nito, kinunan lang in different angles ni director Joyce Bernal ang kissing scene nila ni Jennylyn, kaya akala’y marami.

Nakausap namin si Gil sa presscon ng New York professional acting teacher na si Anthony Vincent Bova. Kabilang si Gil sa 46 scholars (tawag sa Kapuso stars na sasailalim ng workshop) na nagsimula noong August 15-17.

After Mr. Bova, tuluy-tuloy ang workshop ni Gil kaya wala raw muna siyang guesting. Gusto niyang paghandaan nang husto ang next project niya, kaya nagpapalaki ito ng katawan.

Jerald Napoles sumisigaw ng tulong

Magkakaroon ng fund raising activity para sa medical expenses ng magaling na aktor na si Spanky Manikan na may lung cancer. Gagawin sa JT’s Manukan Grille sa #64 Sct. Borromeo St., near Scout Esguerra, Diliman, Quezon City ang fund raising acti­vity. Worth P650.00 ang Spanky Meal at kabilang sa nagpu-promote nito si Jerald Napoles na nag-comment ng “Let us support one of the best actors in the Philippines, tito Spanky Manikan..A fund raising activitiy for tito Spanky’s medical expenses”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with