^

PSN Showbiz

Pagkatakas sa rehab, AiAi ayaw nang alamin ang lagay ni Jiro!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: “Ipagdarasal ko na lang siya,” tipid na sagot ni AiAi delas Alas nang tanungin namin tungkol sa pagtakas ni Jiro Manio sa rehabilitation center.

Wala na rin naman daw siyang magagawa kung ang mismong may katawan ang umaayaw na gumaling.

Hindi na inalam ni AiAi kung saan ito tumuloy, pero sana malagpasan daw ni Jiro ang pagkalulong sa masamang bisyo at huwag mapahamak sa ginawang desisyon.

Sa ngayon ay inaasikaso na lang ni AiAi ang paghahanda ng kasal nila ni Gerald Sibayan na nagkapirmahan na ng kanilang pre-nuptial agreement.

PAK: Si Mama Renee Salud ang isa sa nanghihinayang na hindi na nga raw itutuloy ang pag-stage uli ng Miss Universe sa bansa.

Pero mas mabuti na rin daw ang napagdesisyunan dahil hindi nararapat na ito pa ang pag-ukulan natin ng pansin, dahil sa nagaganap na gulo sa Marawi.

Kuwento ng kilalang fashion designer na active rin sa nakaraang Miss Universe, “I talked with the secretary, natanong ko kung totoo nga bang gagawin uli dito (Miss Universe pageant). Hindi raw.

“She had a lengthy talk with Wilson Tieng, kasi supposed to be they’re partners, kasi nga si Wilson is a very good businessman nung… he market the Miss Universe very well. Mag-partner dapat sila ng Tourism, parang in-advice siya na huwag muna. kasi the success of the last Miss Universe is hard to get even with or hindi puwedeng ma-surpass.

“Not now, especially with this Marawi incident, baka maraming ma-offend baka in some other year.”

Kaya hindi na rin ito makakadagdag pressure sa pambato nating si Rachel Peters.

BOOM: Parang nagdadalawang-isip na nga si Manay Lolit Solis na ilahad ang buong katotohanan sa nangyaring Manila Film Festival Scam.

Sabi niya sa amin, parang type na lang daw niyang sundin ang reak­syon ni Pauleen Luna na huwag nang ung­katin pa ang iskandalong iyon dahil nakalimutan na nga ito ng mga tao.

Baka ito pa nga ang mapansin kasabay sa selebrasyon ng Araw ng Maynila ni Mayor Joseph Estrada.

Marami pang activities ngayon ang lungsod ng Maynila, pero ang isa nga sa mga highlight ay ang Miss Manila 2017 na gaganapin sa PICC mamayang gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with