PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jinggoy hindi sinayang ang oras sa ‘labas’

Jinggoy Estrada

Tama ang hula ko na kakantahin ni Jinggoy Estrada sa 80th birthday party ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang Tanging Yaman na pinalitan niya ng lyrics.

Ang Manila Hotel ang venue ng birthday cele­bration ni Papa Erap noong Miyerkules at gaya nang dapat asahan, dumagsa ang mga bisita mula sa mundo ng showbiz at pulitika. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang lahat ng malalapit sa puso ni Papa Erap, pati na ang constituents ng well-loved public servant at actor.

Bumuhos ang malakas na ulan noong Miyerkules nang gabi pero napuno pa rin ng well-wishers ang Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Siyempre, early bird si Papa Jinggoy dahil hindi nito sinayang ang anim na oras na ibinigay sa kanya ng Sandiganbayan para makadalo sa birthday celebration ng tatay niya.

Kung proud grandfather si Papa Erap sa production number ng mga apo niya, proud father si Papa Jinggoy dahil sa ipinamalas na singing talent ng kanyang mga anak, lalo na ang favorite daughter niya na si Jillian.

Kumanta rin si Janella, ang panganay ni Papa Jinggoy na vice mayor ng San Juan City. May-I-sing ni Janella ang theme song ng old movie ni Papa Erap noong 1975, ang Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa. Official entry ang pelikula nina Papa Erap at Gloria Diaz sa 1975 Me­tropolitan Film Festival.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Marami ang nagsabi na looking good si Papa Jing­goy, kahit halos tatlong taon na silang nakakulong ni Bong Revilla sa Camp Crame.

 Jake at Ellie may special number

Couple of the night sa birthday party ni Papa Erap ang mag-amang Jake at Ellie Ejercito.

Parehong nag-perform sa birthday program para kay Papa Erap ang kanyang anak at apo.

Tanggap na tanggap ng Ejercito family si Ellie na carbon copy ng kanyang madir na si Andi Eigenmann. Sayang talaga dahil hindi sina Jake at Andi ang nagkatuluyan.

Jerika ikakasal na sa Español na BF

Same fate sina Andi at Bernard Palanca. Kung naging maayos ang relasyon nina Bernard at Jerika Ejercito, one big happy family sana sila.

May isang anak sina Bernard at Jerika, si Isaiah na cute na cute rin nang mag-perform sa birthday party ng lolo niya.

Kasama ni Jerika sa grand occasion ang kanyang fiancée , ang Español na si Miguel Aguilar Garcia.

  Engaged na ang dalawa kaya malabo na talaga na magkaroon ng Part 2 ang love affair nina Bernard at Jerika.

Pres. Duterte walang planong tantanan ang mga detractor

Si President Rodrigo Duterte ang special guest sa birthday party ni Papa Erap.

As usual, naloka ang mga bisita sa mga dialogue ni Papa Rody na halos isang oras na nagsalita.

Nag-emote uli si Papa Rody sa mga media organization na daily ang paninira sa kanya.

Nagpahiwatig si Papa Rody na hindi tatantanan ang detractors na tinawag niya na oligarchs.

Ang sey ng mga bisita, hindi na nila nabilang ang maraming beses na pagsasalita ni Papa Rody ng mga mura na favorite expression niya.

Pero nang tanungin sila tungkol sa birthday message ni Papa Rody kay Papa Erap, p..i…ang sagot nila dahil ‘yon ang nagmarka sa kanilang mga busilak na isipan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: