^

Metro

Mekaniko itinumba ng tandem

RATED A - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa 52-anyos na mekaniko matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Tondo Medical Center dahil sa tama sa leeg ang biktimang si Jeffrey Po ng #204 Escoda Llanes Street sa  Tondo, Maynila.

Base sa police report, naghahanda ng hapunan ang biktima sa kaniyang bahay nang may nagbukas ng kanilang gate.

Nagtungo ito sa pintuan upang alamin kung sino ang nagbukas ng gate subalit mga putok ng baril ang sumalubong sa kanya.

Nang bumagsak ang biktima ay agad siyang iniwan ng mga suspek at tumakas sakay ng motorsiklo.

Bukod sa anggulong droga ay sinisilip ng pulisya ang anggulong matinding galit ng isang customer dahil sa namahalan umano ito sa singil ng kanyang serbisyo sa pinagawang trak.

vuukle comment

MEKANIKO ITINUMBA NG TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with