^

PSN Showbiz

Kylie nabawi na ang Lireo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng mga kaganapan sa Encantadia, isang seremonya ang naganap sa Lireo para opisyal na iproklama ang muling pagkakabawi ng mga diwata sa Lireo na pinamunuan ni Amihan (Kylie Padilla).

Inaaral ni Pirena (Glaiza de Castro) ang kapangyarihan na binigay sa kanya ni Ether sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa pashnea.

Sinaksak ni Agane (Rochelle Pangilinan) si Amihan sa kasagsagan ng nagaganap na seremonya sa Lireo. Nagpapagaling si Amihan mula sa pagkakasaksak.

Samantala, inalam nila Danaya (Sanya Lopez) sa pamamagitan ng baston ni Imaw ang may kagagawan nito kay Amihan at napag-alaman nilang si Agane nga ang may sala.

Dahil sa nangyari kay Amihan, iminungkahi ni Imaw na kailangan na humingi  ng basbas kay Emre tungkol sa magiging tagapagmana ni Amihan. Sinanga­yunan naman ito ni Alena (Gabbi Garcia) at Danaya ngunit may kundisyon si Amihan dahil sa minsan nang pagkawala ng kanyang anak.

Nabatid ni Wantuk (Buboy Villar) ang hindi pagsangayon ni Ybrahim (Ruru Madrid) sa mungkahi ni Imaw dahil sa baka may ibang maging ama ng magiging anak ni Amihan. Agad namang itinanggi ni Ybrahim ang napansin ni Wantuk. Ipinangako ni Hitano (Pancho Magno) kay Lila Sari (Diana Zubiri) ang kanyang pagsuporta at pagmamahal sa Encantada at sa magiging anak nito. Humingi na si Amihan ng basbas kay Emre tungkol sa pagdadalang-diwata. Nagpahiwatig ang basbas sa pagdapo ng isang puting rerte (butterfly) kay Ybrahim.

Marami pang dapat abangan sa Encantadia gabi-gabi sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with