^

PSN Showbiz

Antoinette Jadaone at Dan Villegas nakakuha ng katapat

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bata pa rin, pero kasabay ding hinasa ni Bb. Joyce Bernal ang humahakot ngayon ng ma­no­nood sa Camp Sawi na si direk Irene Villa­mor. Marami ang nagagandahan sa pelikula niyang pinagsosyohan ng Viva Films at N2 Productions tungkol sa laban ng limang babae na pare-parehong nasawi sa pag-ibig at nagkita-kita sa isang lugar kung saan ay tatangkain nilang mabuo muli ang kanilang pagkatao.

First major film production ni Irene ang pelikulang ito. Lubhang naging makatotohanan ang ginawang pagganap ng lima (Arci Muñoz, Bela Padilla, Andi Eigemann, Yassi Pressman at Kim Molina) na umaming pare-pareho silang niloko rin sa tunay na buhay kaya naibigay nila ng buong-buo ang hinihingi ng kanilang mga role na nagtatampok ng mga hugot nila sa tunay na buhay.

Hindi nahiya si Antoinette Jadaone na magsabing isasauli niya ang mga ibinayad sa takilya ng mga manonood ng movie kapag hindi sila nagandahan sa Camp Sawi na idinirek ng isa sa nakasama nilang hinasa ni Bb. Joyce Bernal sa pagdidirek ng pelikula.

Sa panahon ngayon na parang hinahati lamang ang paggawa ng pelikula kina Jadaone at sa nobyo niyang si Dan Villages, isang welcome na karagdagan ang direktor ng Camp Sawi sa mga nagsisimulang magdirek ng movie na nagpapakilala pa lamang. Ang pagkakatanggap ng “A” ratings ng movie niya mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ay isa lamang incentive para madagdagan pa ang bilang ng gumagawa ng pelikula. Sa halip na insecurity, dapat ay welcome pa ang pagdating ng mga bagong pangalan at mukha sa pagdidirek ng pelikula at mga palabas sa TV.

James hindi malubayan si Nadine kahit tulog

Photography pala ang pinagkakaabalahan ngayon ni James Reid. Bukod nga naman sa mga pinagsu-syutingan nilang magagandamg lugar tulad ng Greece kung saan kinunan ang Till I Met You, nagku-concentrate siya ng pagkuha kay Nadine Lustre na kahit natutulog ay hindi niya pinalalampas. Kaya ang dami-dami niyang kuha ng kanyang ka-loveteam na puwedeng magamit ng produksyon.

Ngayon pa lamang ay inaabangan na ang TIMY na si Antoinette Jadaone ang direktor.

Fans kailangang ihanda ang mga sarili sa mas mature na Kathryn at Daniel

Trailer pa lamang ay napapanood na sa 62 na bansa ang Barcelona: A Story Untold nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Obligado ang Star Cinema na ipalabas ang movie sa mga pinaglalabasan ng trailer. Pero bakit parang may nalasahan ako sa napanood kong trailer na nagtatampok sa KathNiel loveteam? Handa na ba talaga ang mga tagasubaybay ng kabataang loveteam sa malalim na relasyon na pinagdaraanan nila? Dapat lamang dahil handang-handa na si direk Olive Lamasan na ipamalas sa mga manonood ang more mature niyang artista. The fact na tinanggap niya ang pagdidirek ng Barcelona: A Love Untold ga­yong puwede niya itong ipadirek sa ibang Kapamilya directors ay isang mala­bis na pagtitiwala sa kanyang kabataang artista.

Adele at Barbra Streisand balak dalhin dito sa Pilipinas

Balak palang dalhin dito ng mga producer ng Powerhouse, na concert nina Arnel Pineda, Mo­rissette Amon, Michael Pangilinan, 4th Im­pact, Mayumi at TOMS Band sa October 28 sa Solaire Resort and Casino sina Barbra Strei­sand at Adele. Bagaman at may kamahalan ang concert ng dalawa, hindi nawawalan ng pag-asa ang prodyuser ng concert na si Madam Lily Chua na mabigyan ito ng katuparan sa tulong pa rin ng Solaire. Kaya kayod marino ang grupo ni Jobert Sucal­dito sa promosyon ng Powerhouse para madala rito ang mga sikat na performer.

Showtime ‘di nauubusan ng contestant sa pagkanta

Bukod sa maraming magagaling na sumasali sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime, maganda rin ang mga kuwento ng mga kontisera’t kontisero na sumasabak sa programa. Ngayon ko nga lang nari-realize na marami nga ang magaling na mangangantang Pinoy. Wala yatang Pinoy na hindi kumakanta, mapa-Luzon man, Visayas o Mindanao.

Andre wala nang interes sa bola

Ayaw na ba talagang mag-basketball ni Andre Paras? His fans are raring to see him on the hard court tulad ng bro niyang si Kobe Paras. Sa halip na pagba-basketball ang atupagin, sa pag-aaral na maging direktor nakatuon ang pansin ng isa sa mga anak ni Benjie Paras. Katunayan ay pormal niyang pinag-aaralan ang kursong ito. Kasama pa rin naman si Andre sa fantaserye na Encantadia at sa Sunday PinaSaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with