^

PSN Showbiz

Love story nina Buboy at Angillyn ibubunyag sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bawat isa sa atin ay naghahangad na ma­ka­­hanap ng taong magmamahal ng tapat at masasabi mo na ito na nga ang true love. Ngunit hanggang saan ba ito kayang ipag­l­aban ng dalawang pusong nagmamahalan lalo na’t tutol dito ang karamihan?

Kilala natin si Buboy Villar bilang isang mahusay na actor mula pagkabata hanggang sa nagbinata na. Habang si Angillyn Gorens ay nagsisimula sa mundo ng showbiz bilang isang talent. Pinagtagpo sila ng tadhana sa taping ng The Half Sisters kung saan pareho silang kasama sa naturang programa.

Love at first sight si Buboy kay Angillyn. Naging mabuting magkaibigan sila hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit hindi naging madali ang kanilang relasyon kaya pinili muna nila itong itago lalo na’t marami ang tutol dito. Iba’t ibang pagsubok man ang hinaharap ng kanilang pagsasama ngunit nanaig pa rin ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Tunghayan ang isa sa mga mainit at pinag-uusapang pagmamahalan nga­­yon na gagampanan mismo nina Bu­boy Villar at Angillyn Gorens.  

Makakasama din sina Elizabeth Oropesa, Gino Padilla, Cheska Diaz, Jan Manual, Renz Michael Valerio, Annicka Dolonius, Veronica “Kai” Atienza, Kurt Kendrick, Carlo Cannu at Mach Vi John Duran. With special participation of Thea Tolentino.

Ang Fight for Love: The Buboy Villar and Angillyn Gorens Love story ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with