^

PSN Showbiz

Lovi sarap na sarap halikan si Tom!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-renew na nga ng kontrata sa GMA Network si Lovi Poe at three-year contract ang muli nitong pinirmahan. No second thought on her part ang mu­ling pagpirma niya ng kontrata dahil inaalaagan siya ng network at masaya siya bilang Kapuso.

“I’m just happy na nandito ako ngayon. Nagpapasalamat ako dahil palagi nila akong binibigyan ng opportunity to work on what I’m really passionate about which is acting and performing in front of the people. GMA has always been my home,” pahayag ni Lovi.

Masaya ang contract signing dahil sinakyan ni Lovi ang biro ng press at lalo pang sumaya nang takutin ng mga reporter na magagalit sa kanya sina Tom Rodriguez at Carla Abellana nang hindi sinasadyang aminin nito ang relasyon ng dalawa. Hindi pa kasi umaamin ang dalawa at inunahan sila ni Lovi.

Nangyari ito nang tanungin si Lovi kung good kisser ba si Tom na kapareha niya sa teleserye ng network na Someone To Watch Over Me. Lampas 10 percent ang rating niya sa aktor sa pagiging good kisser at nag-comment ng “Carla is a lucky girl.”

Dagdag pa ni Lovi, kahit wala sa script na mag-kiss sila ni Tom, hinahalikan niya ito para mas ma-establish ang relasyon nila bilang mag-asawa at hindi na niya mabilang kung ilan ang kissing scene nila.

Dito na siya tinakot at kinantyawan ng press at puro “Oh, My God!” na lang ang nasabi at nag-request na i-erase ang mga sinabi niya tungkol kina Tom at Carla.

Anyway, nilinaw ni Lovi na friend lang niya ang French guy na nasa Instagram niya na si Chris Johnson at bumisita lang sa bansa. Hindi niya masabi kung foreigner ang next na magiging boyfriend niya. “I don’t know, I’ll go with the flow,” sagot nito.

Sandro Marcos hindi pa handa sa showbiz

Natutuwa sina Senator Bongbong Marcos at misis nitong si Atty. Liza Araneta sa pagtanggap ng tao sa eldest son nilang si Sandro Marcos. Sikat ang 22-year-old na binata at mara­ming fans. Ang laging tinatanong ng fans ay kung magsu-showbiz si Sandro at itinanong namin ito kay Atty. Liza.

Ang sabi nito, si Sandro ang magde-decide, kaya lang ay nag-aaral pa ito sa London. Ang dasal ni Atty. Liza, hindi lumaki ang ulo ng anak sa rami ng humahanga sa kanya. Thankful din si Atty. Liza na based sa London ang anak at bumibisita lang, kaya hindi ramdan ang mga humahanga sa kanya.

In-offer pala ng GMA-7 na mag-guest si Sandro sa Lip Sync Battle kasama si Jake Ejercito, hindi lang natuloy dahil feeling niya ay hindi pa siya ready. Okay sa kanya ang suggestion ni Jun Nardo na i-lip sync niya si Charice na sinasabing kamukha niya. ‘Katuwa dahil alam nina Sen. Bongbong at Atty. Liza ang isyung kamukha ni Sandro si Charice at tinukso rin ang anak.

Kita ang closeness ni Sandro sa parents niya lalo na kay Sen. Bongbong na madalas niyang kasama.

Glaiza relate sa pagiging Sang’gre

Lumabas na kagabi ang mga Sang’gre ng Encantadia na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla. Prinomote nina Glaiza, Sanya at Kylie ang unang paglabas nila sa fantaserye kaya lang hindi yata na-inform si Gabbi dahil hindi siya nag-promote sa Instagram (IG).

Ang ganda ng post ni Glaiza sa IG na, “Beyond the visual effects fight scenes and costumes, I’m grateful to be part of a story that tackles women empowerment. In a world where there’s too much competition, we should all learn to support and respect each other. Kanya-kanya man tayo ng pananaw at pangarap sa buhay, hindi ‘yun dahilan para kamuhian natin ang isa’t isa.

“Sa tingin ko lahat ng mga kababaihan ay sanggre. Lahat may kanya kanyang pinaglalalaanan, masama man o mabuti ngunit sa huli, tayo tayo lamang ang magkakampi.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with