^

PSN Showbiz

TV5 at Viva may hindi raw napagkasunduan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napaka-short-lived ng business relationship sa pagitan ng TV5 at Viva Entertainment na hindi man lamang tumagal ng isang taon. 

Kung naging maganda sana ang nabuong re­las­yon ng dalawang kumpanya, ito na sana ang simula ng mga pagbabago sa entertainment prog­ramming ng Kapatid Network. 

Magaganda sana ang mga proyektong binuo ng Viva for TV5 tulad ng Bakit Manipis ang Ulap na tinampukan nina Claudine Barretto, Cesar Montano at Diether Ocampo, ang Ang Panday na pinagbidahan ni Richard Gutierrez, ang Tasya Fantasta ni Shy Carlos maging ang singing reality show na Born To Be A Star hosted by Ogie Alcasid, Yassi Pressman, at Mark Bautista.

But somewhere along the way ay may hindi umano napagkasunduan ang magkabilang panig na kung hindi kami nagkakamali ay may kinalaman sa budget na kailangan sa pagpu-produce ng iba’t ibang entertainment programs for TV5.

Sayang naman ang maganda na sanang tambalan ng TV5 at Viva Entertainment.

Cesar puwede sa kahit anong network

Natutuwa ang mga tagahanga ng actor na si Cesar Montano nang ito’y magkaroon ng special guest appearance sa hit TV series ni Coco Martin sa ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsiyano dahil muli na naman nitong nai­palabas ang kanyang husay hindi lamang bilang dramatic action kundi bilang isang action star.

Hindi na gaanong kinakagat ngayon ang mga local action movies kaya isa-isang nawawala ang mga action star. 

Mabuti na lamang at nag-evolve ang iba sa kanila bilang actor at kasama na rito sina Robin Padilla, Cesar Montano, Ian Vene­racion at Jestoni Alarcon na hanggang ngayon ay aktibo pa rin hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon.

Samantala, matagal na nawala si Cesar sa Dos nang ito’y lumipat ng Kapuso network and eventually, sa Kapatid network. 

Ngayon ay balik-Kapamilya si Buboy (Cesar) na huling napanood noon bilang host sa singing game show na The Singing Bee.

Since walang exclusive contract si Buboy, puwede siyang magtrabaho sa kahit saang TV network kung saan may magandang project para sa kanya.

Nakita raw ni Buboy ang pagiging professional at de­dicated ni Coco sa kanyang trabaho bilang actor.

“He is so passionate about his craft,” pahayag ni Buboy tungkol kay Coco.

Eric may raket pa rin sa HK

Isa si Eric Quizon sa mga anak ng yumaong Come­dy King na si Dophy ang pinakamalapit sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.  Na-shock umano si Eric nang sumabog ang balita na hiwalay na sina Zsa Zsa at fiancé nitong arkitekto na si Conrad Onglao na dapat sana’y ikakasal na sa isang lugar sa Italy ngayong September. 

Nagulat man si Eric sa mga kaganapan sa pagitan nina Zsa Zsa at Conrad, nirespeto niya ang naging desisyon ng kanyang dating “madrasta”.

Sa pangunguna ni Eric, nagbigay silang magkakapatid ng basbas sa pagpapakasal sana ni Zsa Zsa pero umatras naman ito.

Samantala, si Eric ay isa sa mga bida sa upcoming come­dy movie ng Regal Films, ang That Thing Called Tanga Na na kung saan din tampok sina Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto mula sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan. 

Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa darating na August 10 and with premiere screening on August 8.

Kapag hindi busy si Eric sa kanyang acting and directorial job, most of the time ay sa Hong Kong siya naglalagi kung saan din siya may ibang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with