^

PSN Showbiz

Kaso nina Robin at Mariel matagal pa bago masintensyahan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung susundin ang mga patakaran at batas na gi­nawa ng COMELEC hinggil sa eleksiyon, aba mara­mi-rami ring artista ang malalapatan ng parusa sa ginawa nilang paglabas sa ilang mga regulasyon. Tulad na lamang nina Robin Padilla, Mariel Rod­riguez-Padilla, at nina Daniel Padilla at Kathryn Berardo.

Pero mahaba-habang pagtatalo rin sa korte ang kakainin para rito at malay natin ay baka may pumadrino pa sa kanila na lalong magpapatagal sa kaso at makalimutan na in the long run.

Mga suliranin ng bansa maraming umaasang masusulusyunan ng bagong administrasyon

Tapos na ang eleksiyon. Papurihan natin ang bagong nahahalal na pangulo ng Pilipinas na si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa ginawa niyang panghihikayat sa mga tinalo niya na magkaisa at kalimutan na ang ka­nilang naging pagtatalo para sa kapakanan ng bansa.

Dasal ko lang na mabigyan niya ng lunas ang napakaraming suliranin ng bansa, even in the absence of his running mate, Alan Peter Cayetano. Let us all unite for him at ang mga nanalo sa eleksiyon.

Papurihan din natin ang mga talunan na unang nag-concede sa kanilang pagkatalo. At sana huwag silang magkait ng kanilang tulong kapag hiningi ito ng bagong pangulo.

KZ ayaw pahuli kina Rachelle Ann, Kyla, Angeline, at Yeng

Kaabang-abang ang gagawing concert nina Rachelle Ann Go, Kyla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, at KZ. Ngayon pa lamang ay marami na ang naniniwala na sparks will surely fly dahil pare-parehong magaling sa pagkanta ang lima.

Meron at merong magpi-feeling star sa kanila.

Malayo pa naman ang palabas, bago pa mag-Pasko, pero maaga pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng lima. Nakakahiya naman kapag may isa sa kanila ang mapag-iwanan. Tulad ni KZ na maituturing na pinakabaguhan sa lima, pero wala siyang ganitong insecurity. “May kaba, pero iba naman ang genre ko sa kanila, hindi ako bumibirit pero makadaragdag ako ng interes sa concert,” pagmamalaki ng pinakabaguhan sa lima.

Pinamagatang Divas Live in Manila, inaasahang magsisimula ito ng mga matatagumpay na palabas.

Jennylyn walang rason para matakot kay Alden

Bakit nga naman tatanggihan ni Jennylyn Mercado ang offer na gawin ang lokal na bersyon ng Korean telenovela hit na My Love From the Star? Kahit pa ang makakatambal niya rito ay ang Kapuso actor din na si Alden Richards.

Masuwerte nga ang aktor kung matutuloy ang proyekto dahil sa punto na ito ng karir ni Jennylyn ay nakakatulong siya nang malaki sa mga nakakapareha niya. Maitutulak niya paitaas si Alden na kahit may Maine Mendoza na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with