^

PSN Showbiz

Kuwento ng The Surprise kakaiba!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang kakatuwang pelikula  mula sa direksyon at panulat ng Oscar Award winning director na si Mike Van Diem (nakilala sa dinereheng Character na nagwagi ng Best Foreign Film Award), nagbabalik sa industriya na may off-beat, cute at romantikong RomCom, The Surprise.

Naiiba at kakatuwa ang pag-iibigan ng isang multi-milyonaryong si Jacob (Jeroen van Koningsbrugge), na first time pa lang ma-in love sa tanang buhay niya sa isang magandang si Anne (Georgina Verbaan). 

Unique & funny na matatawag. Papaano ba namang kapwa tinamaan ng pana ni kupido sa lugar na ‘di inaasahang pagkakataon. Nabuo ang pagmamahalan  ni Jacob at Anne, bilang simbolo ng bagong buhay sa lugar na matatawag na pagwawakas ng buhay – ang punerarya.

Sa Europa mayroong funeral service na pwede kang mamimili kung paanong paraan ka mamamatay. Kasi bata pa si Jacob malungkutin at mapag-isa nang pumanaw sa aksidente ang amang minamahal. Tapos,  namatay na rin ang ina.  Kaya nagdesisyon ang binata na wakasan na lang ang buhay. Kaso, nag-eye ball ang mga mata nila ni Anne sa punerarya nga. Supposedly, nag-apply din ang babae ng isang funeral service ang The Surprise package.

Ay,  pag-ibig pagpumasok ka nga naman sa puso nino man….  Dugtong pa ng multi-Grammy winning recording artist na si Stevie Wonder, “ Love comes in the most unexpected places…”

Hayun, “love love love”, sabi nga ni Kris Aquino.  Pero, paano ang nasign-up na contract. Gulo ang mangyayari. Di pwedeng magback-out.  Hinanting sila para tepokin.  Pero, teka muna. Di diyan magtatapos, syempre may twists and turns. Watch kayo.

Ang The Surprise ay ipapalabas na sa paborito n’yong sinehan sa 11th ng May. Ang Solar Entertertainment Corporation, through Solar Pictures ang exclusive distributor dito sa Pinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with