^

PSN Showbiz

Mga bagong programa ng TV5, tinututukan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inaabangan, tinututukan at talagang nagustuhan pala ng televiewers ang mga bagong weekend program ng TV5, ang Born To Be A Star, Tasya Fantasya at Wattpad Presents.

Ang research team ang nagsabi na nagustuhan ng televiewers ang weekend programs ng TV kaya looking forward sila tuwing Sabado para mapanood ang Tasya Fantasya at ibang mga show ng Kapatid Network.

Na-confirm sa premiere night ng Girlfriend For Hire ng Viva Films na big help kay Shy Carlos ang Tasya Fantasya dahil kilalang-kilala na siya ng fans na sumuporta sa pelikula nila nina Yassi Pressman at Andre Paras.

Gandang-ganda kay Shy ang audience ng Girlfriend For Hire dahil bagay sa kanya ang sophisticated look.

Si Shy ang gumanap na girlfriend ni Andre sa YaNdre movie na showing pa rin sa mga sinehan at bongga ang reviews. Perfect for lovers at Valentine’s Day ang Girlfriend For Hire, ang chorus ng mga nakapanood ng Andre-Yassi romantic comedy movie.

Tom pambala sa mga bagong show ng GMA

Napansin ko na pambuwena mano si Tom Rodriguez sa mga bagong show ng GMA 7.

Si Tom ang special guest sa pilot episode ngayong hapon ng Dear Uge ni Eugene Domingo at siya rin ang kauna-unahang contestant sa Lip Sync Battle Philippines nina Michael V. at Iya Villania na mapapanood sa February 27.

Malapit na akong maniwala na may su­werte na dala si Tom sa mga new programs ng Kapuso Network.

Aktres panay ang himas sa aktor at palengkerang-palengkera sa isang showbiz event

Dismayado ang showbiz press sa aktres na cheap ang inasal sa isang showbiz event.

Naloka ang lahat sa aktres sa palengkerang-palengkera ang pagsasalita at panay ang himas sa braso at hita ng aktor na kasama niya.

Ang mga reporter ang nahiya sa sarili sa ugali na ipinakita ng aktres na masyadong nagpakatotoo at nakalimutan ang good manners and right conduct, kung meron man siya.

Sen. Loren inuudyukang balikan ang TV

Invited ako sa 56th post birthday cele­bration ni Senator Loren Legarda sa Baluarte de San Diego sa Intramuros, Manila pero hindi ako nakarating dahil gabi ang party niya.

Na-miss ko tuloy ang ipinagmamalaki na garden ng Baluarte de San Diego na instant favorite ng mga bisita nang makita nila ang lugar.

Puring-puri ni Mama Loren ang Baluarte de San Diego at natutuwa siya dahil tama ang kanyang desisyon na doon idaos ang post birthday celebration niya.

Noong January 28 ang actual birthday ni Mama Loren at dahil busy, noong February 11 siya nag-treat sa kanyang close friends.

Mga kapwa niya senador ang bisita ni Mama Loren na kinukumbinsi na magbalik-telebisyon dahil last term na niya bilang senador.

Sa rami ng mga NGO project at advocacy ni Mama Loren, siguradong walang magbabago sa kanyang busy schedule, kahit hindi na siya senador.

Kung kakandidato uli si Mama Loren na senador sa mga darating na panahon, sure winner siya dahil napatunayan niya sa mga Pilipino na hindi sayang ang boto sa kanya. Isa si Mama Loren sa mga senador na talagang nagtatrabaho, may malasakit sa bayan at sa mga Pilipino.

pre-valentine traffic, nakakaloka

Imbyerna ang mga motorista dahil sa sobrang tindi kahapon ng traffic situation sa Metro Manila.

Naloka ang isang direktor dahil inabot ng 40 mi­nutes ang kanyang biyahe samantalang 50-meters lang ang layo ng pinuntahan niya.

Biktima rin ng trapik si Papa Joey de Leon habang papunta sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum na hindi kalayuan sa bahay niya kung walang trapik. Ang duda ni Papa Joey, pre-Valentine traffic ang naranasan niya kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with