^

PSN Showbiz

Boobsie ni Pia namumutok sa New York Fashion Week

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Umaariba sa New York Fashion Week si Miss Universe Pia Wurtzbach.

Nauna siyang rumampa para sa Red Dress Collection. Tinalbugan niya ang ibang super model dahil wala ang ibang rumampa ng boobs niyang namumutok sa suot na red gown na gawa ni Carmen Marc Valvo.

Bukod sa Red Dress Collection na ang objective ay maka­tulong para sa mas mataas na awareness  sa mga heart di­sease ng mga kababaihan, rumampa rin siya para sa designer na si Sherri Hill.

Parang mga beterano ang mga nakasama niyang rumampa. Pero one of those lang si Pia dahil ang dami pa niyang kasunod na rumampa ng mga dinisenyo ng sikat na designer na si Sherri Hill.

Pero naman ang iitim ng tuhod ng ibang mga modelo kaya wagi pa rin siya kasi talagang parang may mga edad na ang ibang super model na siyempre ay maraming hindi familiar kahit mga sikat pa sila sa runway.

Pero may picture si Pia sa kanyang Twitter na kasama ang supermodel na si Carmen Dell’Orefice. “Backstage at ?@SherriHill at ?@NYFW with legend supermodel Carmen Dell’Orefice!,” sabi ni Pia sa kanyang Twitter account.

Last week ay naging special correspondent sa SuperBowl 50 ng Inside Edition.

Movie nina Sarah at Piolo, libre ngayong valentine

Mapapanood ngayong Linggo, Araw Ng Mga Puso, ang regalong handog ng Cinema One sa Sunday Blockbusters nito kung saan u­nang ipapalabas sa TV ang multi-million blockbuster hit na  The Breakup Playlist ng Star Cinema at Viva Films.

Ang romantic dramang ito kung saan bida sina Piolo Pascual at Sarah Gero­nimo ay isinulat ng blockbuster maker na si Antonette Jadaone (director ng On The Wings of Love) at ang direktor ay ang kasinatahan nitong si Dan Villegas na director naman ngayon ng pelikulang Always Be My Maybe starring Gerald Anderson and Arci Muñoz.

Binigyang-buhay nila sa kwento ang law student na si Trixie (Geronimo) at isang binatang musician (Pascual) na nag-krus ang landas dahil sa pagmamahal nila sa musika.

Ang pelikulang ito ay ipinalabas sa 180 na cinema sa buong bansa at tinalo sa takilya ang mga international films na kasabay nito nang mag-gross ng Php 15 million sa unang araw. Dahil sa magagandang reviews sa unang araw pa lang, umabot sa 200 cinemas ang pinaglabasan nito sa pangalawang araw nito.

Kaya kung walang masyadong budget at ayaw makipagsabayan sa matataong puntahan ng lovers, stay na lang sa house at manood ng The Break Up Playlist sa Cinema One.

Hindi pa kayo gagastos, nakapahinga pa kayo.

Tiyak kasing crowded ang lahat ng mga mall at mga restaurant ngayon.

Ito so far ang last movie ni Sarah kaya marami nang naghihintay kung ano bang next project niya.

Sa kasalukuyan ay busy si Sarah sa promo ng kanyang album na The Greatest Unknown na na­ngunguna sa mga record bars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with