^

PSN Showbiz

Vhong dalawang taon nang naghahanap ng hustisya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon


Two years na pala noong January 22 ang pambubugbog kay Vhong Navarro sa isang condominium sa The Fort pero hanggang ngayon, hindi pa niya nakakamit ang hinahanap na hustisya.

Nakalimutan na rin ng mga tao ang traumatic experience ni Vhong na naghihintay pa rin ng justice habang malaya na nakakagala ang mga tao na umatake sa kanya dahil pinayagan ng korte na magpiyansa ang mga akusado.

Back to normal na rin ang buhay ng starlet na si Deniece Cornejo na huling nakita sa necrological service para kay German Moreno sa GMA 7 noong nakaraang buwan.

Mark Neumann pinupuri sa kanyang video scandal

Ang alleged video scandal ng young actor na si Mark Neumann ang mainit na pinag-uusapan kahapon.

Hindi gimik para sa Tasya Fantasya ang video scandal na nagkataon na kumalat sa unang gabi ng airing ng weekly television show nina Mark at Shy Carlos.

Hindi produkto ng imahinasyon o fantasya lang ang video scandal controversy dahil may strong resemblance kay Mark ang mhin na nasa natatanging pagganap. Natatangi raw o!

To be fair, positive ang mga review sa diumano’y video scandal ng bagets kaya hindi raw kahiya-hiya kung aaminin niya na siya ang lead actor sa pinagpipistahan na video.

May mga unsolicited advice kay Mark na manahimik na lang at ipaubaya sa mga tao ang pag-iisip kung siya nga ba o hindi ang mhin sa video scandal.

Mga aktres mas maingat na maraming actor mas nagbibida sa mga kalaswaang video

Wondering ang marami dahil mga mhin at hindi mga aktres na babae ang involved ngayon sa mga video scandal.

Nandiyan ang mga sinasabi na video scandal nina Joross Gamboa, Jeric Gonzales, Andrew Wolff, Carlos Morales, Jason Abalos at Mark.

May mga prediction na madaragdagan pa sa mga susunod na araw ang pagkalat ng mga video scandal na kinasasangkutan ng mga aktor.

Lumalabas tuloy na mas maingat ang mga babae kumpara sa mga mhin na careless at hindi iniisip ang magiging resulta ng kanilang mga aksyon na normal na ginagawa ng lahat pero nagkataon na na-record at ikinalat ang kanilang private moments kaya naging eskandalo ito.

Magsisilbing aral sa lahat, lalo na sa mga artistang lalake ang nangyari sa mga aktor na sangkot sa mga video scandal.

Katangahan na lang kung hindi pa sila natuto na maging maingat at proteksyonan ang mga sarili para makaiwas sa mga ganoong klase ng eskandalo.

Aktor na lulong sa masamang bisyo, walang makuhang suporta sa pamilya

May pag-asa pa na gumaling ang aktor na nalulong sa masamang bisyo kung magiging seryoso siya na makaahon at higit sa lahat, may suporta mula sa kanyang mga magulang.

Dalawang aktor na kilala ko at pareho ng apelyido ang nalulong noon sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot pero naka-recover dahil sa moral, emotional at spiritual support na ibinigay sa kanila ng mga mahal nila sa buhay.

Ito ang kulang sa aktor na tinutukoy ko na nawawala sa sarili dahil dysfunctional ang pamilya niya. Hiwalay ang kanyang mga magulang kaya may emptiness siya na nararamdaman.

Sa totoo lang, magaling na artista ang aktor dahil sa kanyang malulungkot na karanasan na pinaghuhugutan niya ng mga emosyon na kailangan sa mga dramatic scene.

Sayang naman kung hindi na magagamit ng aktor ang natural acting ability dahil hindi niya maiwasan ang masamang bisyo na sumisira sa kanyang buhay at kinabukasan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with