^

PSN Showbiz

Pero kontra sa retoke Gabby hirap nang mag-diet!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Maagang Pamasko kay Gabby Concepcion ang pagdating ng Because of You, ang bagong primetime soap ng GMA 7 na tinatampukan ng aktor. Akala nito ay wala nang magbubukas na teleserye, pero dumating ang kinu-consider niyang blessing at nabago ang kanyang plano.

Nakatakdang pumunta ng Amerika si Gabby sa halip na sa November, sa December 17 na siya aalis at January 5 next year na makakabalik.

May mga show siya na hindi puwedeng kanselahin dahil nakapirma na siya ng kontrata at bayad na ang TF niya.

Habang nandito pa, double time sa taping ng Because of You si Gabby at ang dinig niya, four months tatakbo ang teleserye na sa Monday pa lang magpa-pilot sa direction ni Mark Reyes.

“Very light, masarap gawin at masarap panoorin,” ang description ni Gabby sa Because of You at rason din para tanggapin niya ang offer. Very excited na siyang mapanood ang first project niya sa GMA 7 at gustong malaman ang feedback ng viewers.

Balik-tambalan sina Gabby at Carla Abellana rito dahil una na silang nagkasama sa isang Regal Films movie. Puwede na palang maging anak ni Gabby si Carla dahil ang older sister ng aktres ay kaedad ni KC Concepcion. Pero kapag magka-eksena na silang dalawa, hindi na maiisip ang kanilang age gap dahil bata pa rin ang hitsura ni Gabby. Bagay sa kanya ang tawag sa kanya ng actress na “Boss Yummy.”

All natural pa si Gabby, walang retoke ang mukha o anumang parte ng katawan.

“Ayaw ko ng blade, ayaw ko ng Botox. Gusto ko natural lang. Nagwo-workout ako, pero hirap akong mag-diet. Mataba nga ako ngayon dahil mahirap ngang mag-diet. Nagwu-water theraphy din ako,” kuwento ni Gabby.

Natawa ang press sa binanggit ni Gabby na dream project niyang makasama ang mga naging ex niya. “Naisip ko lang ‘yun at masaya ‘yun. Hindi nga lang teleserye, ang tawag doon ay reality TV at gusto ko siyang gawin.”

Andi pinanindigan ang hiwalayan nila ni Jake

Dalawang beses namin narinig kay Andi Eigenmann na sinabi sa presscon ng Angela Markado na wala na sila ni Jake Ejercito. Sa TV interview sa kanya, sinabi nitong hiwalay na sila ni Jake at inulit sa Q&A. “I’m happy with my own life now, I’ve moved on,” patuloy ni Andi.

In fairness kay Jake, binati niya ng happy birthday ang anak ni Andi na si Ellie at ang ganda ng message nito sa bagets. Marami tuloy ang nanghinayang na kahit anong effort nila ni Andi ay laging may problema sa kanilang relasyon.

Samantala, parang inamin na rin ni Andi na may bago siyang love at ito’y ang long-haired guy na si Emilio Arambulo sa sagot na “medyo” nang tanungin kung sila na ng guy. Binanggit din nitong masaya siya ngayon sa kanyang buhay.

Ibig sabihin, hanggang friends na lang talaga sila ni CJ Caparas na nagpahayag ng interes kay Andi sa presscon na gusto niyang maging friend at maka-close ang aktres.

Anyway, sa November 30 na ang premiere night ng Angela Markado bago ang showing sa December 2.

Maine papasok sa serye ni Ryzza Mae

Hindi na lang sa Kalyeserye mapapanood si Maine Mendoza dahil maggi-guest siya sa Princess In The Palace na bida si Ryzza Mae. Sa picture teaser na nakita namin, parang naka-uniform ng isang chef si Maine.

Hindi lang sinabi kung kailan lalabas ang dalaga sa Princess In The Palace at kung ano ang kanyang magiging pangalan dahil tila big secret ito sa APT Entertainment.

Habang hindi pa ipinalalabas ang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry at first movie niyang My Bebe Love, sa Princess In The Pa­lace muna siya mapapanood.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

BECAUSE OF YOU

BOSS YUMMY

GABBY

NBSP

PRINCESS IN THE PALACE

RYZZA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with