^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian, hindi na binigyan ng mahabang palayaw ang anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

“Z” na pala ang napili nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na maging palayaw ng baby girl nilang si Maria Letizia Gracia Dantes. Sa baby shower na bigay ng fans ni Marian at nagsilbing birthday party niya with the fans, nabanggit ni Marian na kundi “Z” ay “Zian” ang napili nilang maging palayaw ng kanilang baby girl.

Pero sa post ni Dingdong sa Instagram (IG) kung saan binati niya ng Happy Birthday ang  mommy ni­yang si Mrs. Angeline Dantes na nag-birthday noong October 1, ang inilagay niyang names kung kanino galing ang birthday message ay Marian, Z, and I love you.

Samantala, ang Starstruck 6 pa lang ang regular TV show ni Dingdong kung saan, siya ang host at isa sa judge. Tama lang na hindi siya masyadong busy dahil next month na manganganak ang misis.

Nabibigyan din ng atensyon ni Dingdong ang project niyang Now PH campaign na tungkol sa climate change. Mga kaibigang celebrities ang katulong ni Dingdong sa kampanyang ito bilang Commissioner ng National Youth Commission.

Pagtakbo ni Piolo suportado ng maraming kaibigan

Suportado si Piolo Pascual at ang taunang SunPIOLOGY ng mga kaibi­gan niya sa showbiz at nabanggit nito sa presscon sina Matteo Guidicelli, En­chong Dee, Diego Loyzaga, Joem Bascon, Rayver Cruz at JC de Vera sa mga kumpirmado nang kasama  niyang tatakbo sa November 28, 3pm., sa McKinley West sa Fort Bonifacio.

Sa presscon ng SunPiology, natanong si Piolo sa future projects niya at nabanggit ang teleseryeng Written In Our Stars at movie with Toni Gonzaga o Kim Chiu. Nakitaan daw ng chemistry ng Star Cinema sila ni Kim sa Etiquette for Mistresses, kaya nagka-idea na pagtambalin sila sa full length movie.

Ibinalita rin nitong may brainstorming sila once a month ni director Paul Soria­no for a future collaboration. Kahit abonado, tuloy ang pagpoprodyus ng actor ng indie films.

Rocco naghahanda na rin sa pagbubukas ng aesthetic clinic

Bukas, Sabado na ang re-launching ng Rufo’s Restaurant na kabilang sa co-owners ay ang magkapatid na Rocco at Kyle Nacino. Kahit busy sa taping ng Beautiful Strangershindi nito nakakalimutang  dumaan sa resto at i-check kung may mga kailangan pa para sa re-launching ng panibagong negosyong pinasok. Tinutulungan din naman si Rocco ng parents niya.

The last time makausap namin si Rocco sa press visit sa Beautiful Strangers, nabanggit na tuloy pa rin ang plano niyang magbukas ng aesthetic clinic. Nagti-training siya para mas handa at nakatutulong ang pagiging registered nurse.

Kahit maraming negosyo, hindi iiwan ni Rocco ang showbiz lalo’t magagandang project ang ibinibigay sa kanya.

Kahit walang kasalanan, Kris nag-sorry sa mga selosang fans ng AlDub

Nag-pictorial na kahapon ang cast ng Little Mom­my at nauna na ang acting workshop at screen test in preparation sa taping ng bagong primetime teleserye na pagbibidahan ni Kris Bernal at eere sa November 16.

Sobrang tuwa ni Kris sa malaking project na ibinigay sa kanya ng GMA-7 at ang chance na makatrabaho ang mahuhusay na artista ng bansa sa pangu­nguna nina Nora Aunor at Eddie Garcia.

Marami pala ang pinahanga ni Kris kung paano nag-react sa controversy dala nang pagpo-post niya ng picture nila ni Alden Richards patungong CamSur dahil na-preempt na wala ang aktor sa Kalye­serye ng Eat...Bulaga. Kahit walang kasalanan, nag-sorry si Kris.

 “No one deserves to be judged no matter how natural it comes to the human mind. No one deserves to be gossiped before even knowing the whole story. But, my deepest apologies to the people I had hurt unconsciously, for my insensitive actions. Sending love and wishing peace for everyone!”

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

KAHIT

LEFT

NBSP

PIOLO

QUOT

ROCCO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with