^

PSN Showbiz

Pauleen kinaiinggitan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagpunta kahapon si Pauleen Luna sa Amerika kaya hindi siya mahagilap ng mga reporter na gustong mainterbyu siya tungkol sa pag-amin ni Vic Sotto sa presscon ng isang bagong endorsement nito.

I’m sure, happiest girl ngayon si Pauleen dahil siya ang babae na pakakasalan sa pangalawang pagkakataon ni Bossing.

Dahil sa admission ni Bossing Vic, nabuhay ang mga haka-haka na matutuloy ang pag-iisang dibdib nila ni Pauleen sa December.

Kinaiinggitan ngayon si Pauleen ng mga kababaihan na nag-iilusyon kay Bossing Vic dahil siya ang pakakasalan ng mailap na TV host/ comedian.

Mga magulang ni Pauleen siguradong uuriratin na rin

Happy ako bilang manager ni Pauleen dahil pangarap ng lahat ng mga babae ang ikasal sa mhin na pinakamamahal nila.

Kaligayahan din ng mga magulang na makasal ang kanilang mga anak. Hindi ko lang alam kung may balak na magsalita o magpainterbyu sa media ang madir at fadir ni Pauleen dahil mga very private Filipino citizen sila.

Heart hindi makakasabay sa kampanya ng asawa

Sakali raw matuloy sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon si Sen. Chiz Escudero sa   2016, hindi sila magsasabay mangampanya ng kanyang misis na si Heart Evangelista.

Mahirap umanong pagtagpuin ang kanilang schedule ng kanyang misis na sobrang busy rin sa showbiz.

Pagbabahagi ng senador, kung hindi inuumaga sa taping ng kanyang teleserye, na Beautiful Strangers, busy naman si Heart sa shooting ng pelikula o product endorsement.

Bukod pa rito ang kinahihiligang pagpipinta ni Heart, ani Chiz.

Ganun pa man, sinisiguro ni Chiz at Heart na may oras pa rin sila kapag weekend para makipag-bonding sa kambal na anak ng senador.

“Pero napapagtama-tama naman namin ang aming mga schedule; pag dating ng weekends parating nandoon siya para sa amin,” sabi ni Chiz.

vuukle comment

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BOSSING VIC

BUKOD

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DAHIL

HEART EVANGELISTA

MGA

PAULEEN

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with