^

PSN Showbiz

Kaya walang nakakatagal na piloto... Actress-singer madamot sa mga taong pinakikinabangan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan ay dating driver, kasambahay o alalay ng artista ang nagiging dahilan ng paglabas ng mga kuwentong dapat ay umiikot lang sa apat na sulok ng bahay ng personalidad.

Sila ang madalas na magkakasama at walang maitatago sa kanila ang mga artista, kaya kapag nagpapaalam na ang mga ito ay saka lang naglalabasan ang mga lihim ng artistang pinagserbisyuhan nila.

Tulad na lang ng isang pamilyang pinaglingkuran ng isang driver at isang kasambahay. Lumipat na sila ngayon sa poder ng mga artistang nakasama sa pelikula nu’ng dati nilang pinagseserbisyuhang actress-singer.

Ang kanilang kuwento ay magkahalong drama at komedya, kailangan na raw nilang umalis dahil baka maibangga ng driver ang sasakyan dahil sa sobrang gutom, sukat na sukat daw kasi ang kinakain nila sa bahay ng singer-actress.

Kuwento ng aming source, “E, napakahilig pa naman sa food ng boss niya, maraming junk foods sa van, pero hindi niya naman puwedeng bawasan kapag nagugutom siya dahil bilang na bilang ng payatot niyang amo.

 “Nagmana ng karamutan ang girl na ‘yun sa mommy niya. Dalawang pandesal sa umaga, hanggang saan aabot ang powers ng dalawang pandesal na kinakain ng driver nila? Ganu’n karamot ang mommy niya na namana niya.

 “Kaya ayun, walang nagtatagal na driver sa kanya, para siyang nagbibihis sa pagpapalit ng piloto, walang tumatagal dahil sa sobrang katipiran nila sa food ng mga taong naglilingkod sa kanila,” napapailing na kuwento ng aming source.

Sa ibang tao raw ay mapagbigay ang payatot na aktres, alok nang alok, pero sa mismong mga tauhan niya ay super-kunat ng kilalang singer-actress. Pakitang-tao, sabi ng mga dati niyang driver at alalay, pero sa mga taong pinakikinabangan niya ay sarado ang kanyang mga kamay.

Tanong pa ng aming impormante, “Matakaw pala siya? Bakit ang payat-payat niya naman? Marami kaya siyang bulate sa tiyan?”

Ubos!

Kahit tumutungga ng mga food supplement at iba’t ibang pampalusog Kris nasobrahan ng linis sa katawan kaya laging may sakit

Nagtataka-nagtatanong ang mga ka­ibigan namin kung bakit napakabilis magkasakit ni Kris Aquino samantalang ang dami-dami niyang inirerekomendang gamot at food supplement na ginagamit daw niya?

Kapag nanonood daw sila ng mga programa ni Kris ay palagi niyang sinasabi sa kanyang mga guests na maganda sa katawan ang ganito at ganyang produkto pero bakit parang hindi naman ‘yun epektibo sa kanyang katawan?

“Nakakapagtaka lang. Ang dami-dami niyang sinasabing brand at pro­ducts kapag nag-iinterbyu siya, pero bakit palagi siyang naka-confine? Magka-allergy lang siya, nasa hospital na siya, nasaan na ang mga food supplement na sinasabi niya?” pang-uusisa ng isang kaibigan namin.

May punto naman ang isang nakausap namin sa pagsasabi na kaya raw ganyan kasensitibo ang katawan ni Kris ay dahil wala siyang anti-bodies. Wala siyang panlaban sa mga mikrobyo dahil super-linis siya sa katawan.

 “Ni hindi yata siya nakapaglakad sa putikan, wala siyang karanasan sa maruruming lugar, kaya ganyan siya ka-sensitive. Kung may anti-bodies siya, e, di hindi siya ganyan kamasakitin” sabi nito.

Sobrang sipag kasi ni Kris. Kinakarir talaga niya ang kanyang career. Hindi ‘yun dahil sa kailangan niyang mag-ipon nang mag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang mga anak kundi dahil sa sobrang mahal niya ang kanyang propesyon.

Sa sobrang pagtatrabaho ay napa­babayaan na ni Kris Aquino ang kanyang katawan. Pati ang pag-inom ng mga inirerekomenda niyang food supplement ay nakakaligtaan na rin yata niyang gamitin.

 “Payo siya nang payo, pero hindi naman yata niya ginagawa. Hindi siya effective magpayo, siya ang nagkakasakit,” komento pa ng aming kausap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

DAHIL

HINDI

KANYANG

KRIS AQUINO

MGA

NIYA

NIYANG

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with