^

PSN Showbiz

Bugbugan ng komedyana at Fil-Am BF pinagtawanan ng mga pulis

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang Mahal Na Araw na ang nakararaan nang bulabugin ng magkarelasyong parehong aning-aning ang mga kapulisang nakadestino sa isang dinarayong isla.

Nag-away ang magkarelasyon. Nagkasakitan sila. Nagtatakbo nang nagtatakbo sa istasyon ng pulis ang babae para magsumbong.

Inimbitahan naman ng mga pulis ang kanyang boyfriend. Hiningan din ng pahayag sa ngalan ng pagiging parehas. Nawindang ang mga pulis nang minsan pang magrambol ang magkarelasyon sa mismong harapan nila.

Talakan nang talakan ang magkarelasyon, murahan sila nang murahan. Nakikipag-Inglisan ang babae sa kanyang karelasyong Fil-Am. Hindi sila napag-ayos ng mga pulis, pareho pa kasi silang mainit. Naunang umalis sa istasyon ang lalaking mura pa rin nang mura.

Ilang oras lang pagkatapos ay nawindang uli ang mga pulis, “Totoo ba ang nakikita ko? Baka nananaginip lang ako? Dagukan mo nga ako nang magising ako?” biro ng isang pulis sa kanyang kasamahan.

Nagulantang ang mga pulis sa kanilang nakita. Ang ilang oras pa lang ang nakararaang nagrarambulang magkarelasyon, naglalakad na sa dalampasigan, magkahawak-kamay pa sila at nagyayakapan-naghahalikan.

Lukang-luka ang mga pulis, parang nilaro lang daw sila ng komedyana at ng malahiganteng basketbolista. Dahil pagkatapos nilang magkasakitan at magmurahan ay ayos na ayos na uli sila.

Heto na. Nag-away na naman sila, nagsumbong na naman ang babae sa mga pulis. Pero hindi na gaanong sineryoso ng mga alagad ng batas ang mga ikinatsang ng babae.

Bakit pa nga naman? Para paglaruan na naman sila? Para pagkatapos lang nang ilang oras ay magka-holding hands na naman silang maglalakad sa dalampasigan na parang walang anumang nangyari?

Ubos na ubos!

Dennis umaasa na tototohanin ni Julia ang pangako

Ginanap uli ang pagdinig sa petisyon ni Julia Barretto sa pagpapaalis ng apelyidong Baldivia sa kanyang pangalan para gawin nang Barretto. Dumating si Dennis Padilla sa hearing pero wala ang mag-inang Marjorie at Julia.

Kung matatandaan, sa kanilang pagkakasundo ay nagbitiw ng salita ang batang aktres na hindi na nito ipatatanggal ang apelyido ng kanyang ama, pero nasorpresa si Dennis dahil wala pa rin naman palang isinusumiteng withdrawal sa petisyon si Julia.

Ang dahilan ng dalaga ay hindi pa raw kasi sila nagkakausap ng kanyang mga abogado. Kailangan daw muna nitong impormahan ang kanyang mga lawyers na wala na itong interes sa petisyon.

Umaasa si Dennis na paninindigan ni Julia ang kanyang salita, wala namang plano si Dennis na makipag-usap kay Marjorie, dahil wala rin namang kauuwian ang kanilang pag-uusap.

Kapag hindi tinupad ni Julia ang kanyang pahayag ay siguradong makakatikim na naman ng pamba-bash ang young actress. Parang lalabas na ginawa-sinabi lang nito ang pagpapaasa sa kanyang ama para bumango ang kanyang pangalan.

Pansamantalang pagpapabango lang pala ‘yun at hindi naman pangmatagalan. Umaasa si Dennis na isang araw ay magtatagpo rin sila sa korte ni Julia na bitbit na ang dokumentong magtutuldok sa kanilang problema.

Harinawa. Dahil sa bandang huli ng kuwentong ito ay ang dalaga na naman ang mapapasama. Ikakabit na naman sa kanyang pangalan ang kawalan ng utang na loob.

vuukle comment

ANG

DAHIL

DENNIS PADILLA

JULIA

JULIA BARRETTO

KANYANG

MGA

NAMAN

NANG

PULIS

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with