^

PSN Showbiz

Coaches, aktibong nangangampanya para sa kanilang mga manok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban na ang apat na boses at pina­kamagagaling na artists ng Season 2 ng The Voice of the Philippines sa inaabangang Live Showdown ng programa ngayong Sabado at Linggo (Feb 28 at Mar 1) ng gabi sa ABS-CBN.

Sino kaya ang papanigan ng publiko na makaka­tanggap ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto para tanghaling grand winner kina Alisah Bo­na­obra ng Team Apl, Jason Dy ng Team Sarah, Rence Rapanot ng Team Bamboo, at Leah Patricio ng Team Lea?

Kasabay ng mga preparasyon ng apat na ar­tists ay ang aktibo ring pangangampanya ng bawat coach lalo na sa social media para iboto ng mga ma­nonood at tagasuporta ang kanilang mga pambato.

Handa nang ipaglaban nina Alisah, Jason, Ren­ce, at Leah ang kanilang mga pangarap lalo pa’t ang magwawagi sa season na ito ay mag-uuwi ng trophy na dinisenyo at ginawa ng artist na si Leeroy New, house and lot na nagkakahalagang P2 milyon, isang music instrument package (P100,000), shopping spree at Asian tour package (P350,000), isang business package (P1 milyon), isang bagong kotse (P1 milyon), isang recording at management contract sa MCA Music, at P2 milyong cash.

Sa ultimate laban ng boses ngayong weekend, kaabang-abang din ang makatindig-balahibong performances na ihahain ng special guests na sina Jed Madela, Charice, Joey Ayala, at Dulce.

 

vuukle comment

ALISAH BO

JASON DY

JED MADELA

JOEY AYALA

LEAH PATRICIO

LEEROY NEW

LIVE SHOWDOWN

RENCE RAPANOT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with