^

PSN Showbiz

Hello Sarah MJ type na ring mag-artista, si Richard Gutierrez ang gustong kapareha!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Definitely wala pa raw plano sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na magpakasal sa taong ito. “We’re slowly planning. Pero we’re focusing on Zion pa,” pakli in Sarah nang humarap siya sa presscon ng pelikulang Liwanag sa Dilim na pinagbibidahan  nina Bea Binene at Jake Vargas.

Bilib lang daw talaga siya kung gaano raw kaseryoso si Richard bilang ama sa kanilang anak. Kaya ang laki raw nang nabago sa aktor nang dumating si baby Zion sa kanilang buhay.

PAK: Dumating na si MJ Lastimosa mula Amerika na kung saan naging kontrobersyal ang pagsali niya sa nakaraang Ms. Universe.

Gusto na sana ni MJ mag-move na at tapusin na raw ang isyu tungkol sa gown na sinuot niya. May binitiwan pa siyang linya sa phone interview sa kanya ni Kuya Ricky Lo na “I’d rather keep my mouth shut” nang tinanong siya tungkol sa kontrobersyal na gown.

Pero sinabi rin ni MJ na kung uulitin daw ang Ms. Universe, ibang gown na raw ang isusuot niya.

BOOM:  Type rin pala ni MJ Lastimosa na pasukin ang showbiz kung sakaling mabigyan daw siya nang pagkakataon. Noon pa pala ay gusto rin niyang mag artista. “Kung makapasa ang mukha ko sa showbiz, why not?”  Tinanong namin kung sino ang type niyang leading man, si Richard Gutierrez ang sagot sa amin.

vuukle comment

BEA BINENE

JAKE VARGAS

LASTIMOSA

MS. UNIVERSE

PERO

RICHARD GUTIERREZ

RICKY LO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with