^

PSN Showbiz

Sa galit daw ng ibang ka-barangay, bagung-bagong kotse ni Charice binuhusan ng asido

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Imbyerna pala sa pamilya ni Charice ang kanilang mga neighbor. Ang rason, ang ingay daw ng mga ito na parang pag-aari nila ang lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Charice. Kung mag-karaoke daw, walang pinipiling oras. At nakaharang pa raw ang mga sasakyan na pag-aari nila.

Nakatira na raw kasi ngayon sila Charice sa pag-aari nilang apartment. Yup may mga naipundar naman daw kung ilang pintuang apartment na pinarerentahan nila at ang isang pinakamalaking unit ang tinitirhan ng lesbian singer kasama ang kanyang live in partner at nanay na si Raquel at isa pang kapatid ng singer. Nauna na raw kasing naibenta ang malaking bahay na ipinagawa ng singer.

Dahil daw siguro sa ‘galit’ ng ilan niyang ka-barangay nagising na lang daw sila Charice isang umaga na binuhusan ng thinner ang bago nilang kotse. Yung parang asido, kaya nagkabatik-batik daw ang bagong biling kotse ng pamilya.

Sa galit daw ng pamilya, tinanggal daw ang buong pintura ng sasakyan kahit bagung-bago pa.

Wala naman daw umamin na salarin kaya walang magawa ang pamilya ni Charice ayon sa isang source na minsan lang napadpad sa Cabuyao nakatisod pa ng kuwento.

Say pa ng source, reklamo pa raw ng neighbors, bili rin naman kasi nang bili ng kotse ang pamilya eh wala naman daw silang parking. Wala naman daw kasing malaking parking ang mga paupahang apartment ng pamilya kaya sa labas lang ng gate ito nakaparada.

“Wala raw breeding. Kasi talagang ang ingay nila, pera raw lang daw ang meron sila,” sabi pa ng source na kausap ng isang ka-barangay ni Charice.

Lately ay walang masyadong pinagkakaabalahan si Charice at tanging sa ASAP lang siya napapanood na hindi pa regular. Pero patunay ang pagbili niya ng mga kotse na madatung pa rin siya.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Charice.

Dingdong tatlu-tatlo ang leading lady sa bagong serye, Carla ‘di raw kasama

Pinapa-off the record muna ng isang insider ng GMA 7 ang mga makakasama ni Dingdong Dantes sa gagawin nitong serye. Basta ayon sa source, pasabog daw ang mga makakasama nitong tatlong aktres. Yup tatlo.

Pero definitely, hindi raw kasama sa cast si Carla Abellana ayon pa sa GMA insider. Ito ay matapos lumabas kamakailan na si Carla daw ang magiging leading lady ni Dingdong. “Nope ‘di siya kasama sa pinagpilian. Ang alam ko may gagawin silang serye ni Tom Rodriguez (ang nababalitang boyfriend ni Carla),” dugtong ng source.

Miss Jamaica tanggap ang pagkatalo, wala raw siyang dugong Pinoy

Ay wala palang dugong Pinoy ang Miss Jamaica (22-year-old Kaci Fenne) na ipino-protesta ng marami na sana’y nanalo sa katatapos na Miss Universe.

Mismong si Ms. Kaci ang nagkorek na parehong Jamaican ang kanyang mga magulang nang minsang matanong siya sa Twitter. “Thanks for bringing that to my attention. But I am a born and bred Jamaican with French, Indian, English and black roots. Both my parents are Jamaican as well,” sabi niya.

At habang ‘nagwawala’ ang kanyang fans, tanggap na tanggap naman niya ang naging kapalaran sa Miss U na ginanap sa Florida. “Heartiest congratu­lations to our beautiful new Miss Universe Paulina Vega, all the best on your journey my dear J’

Sa interview naman ng E Online nagpahayag si Ms. Kaci na “I believe it went exactly how it should. I’m so happy I had this opportunity. It’s a once in a lifetime opportunity.”

So sa mga nagpo-protesta sa pagkatalo niya, tumigil na sila. Siya nga walang sama ng loob at nagpapasalamat.

Lumabas na natalo raw siya dahil from the start ay ang Miss Colombian na si Paulina Vega ang ipapanalo sa Miss U kahit pa nga siya (Ms. Kaci) ang inasahang kokoronahan ng mga nanood dahil sa ganda at galing niya sa Q&A.

vuukle comment

CARLA

CHARICE

DAW

MISS JAMAICA

MISS U

MS. KACI

RAW

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with