^

PSN Showbiz

Wala raw siyang credibility dahil maagang nabuntis Janice hindi maawat ang mga anak na magpaligaw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mga kabataang artista ang katrabaho ngayon ni Janice de Belen para sa teleseryeng Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa. Para kay Janice ay may disip­lina raw sa sarili ang mga kasama niya sa nasabing proyekto. “Okay naman sila, ‘pag work naman, ‘di ko naman sila nakikitang nagsi-cell phone. Sa tingin ko seryoso naman sila sa trabaho nila. Hindi naman mahirap katrabaho ang mga batang artista nga­yon. Marami naman sa kanila ay very disciplined. Saka they came prepared sa taping kaya walang hassle,” pagbabahagi ni Janice.

Samantala, mga dalaga at binata na rin ang mga anak ng aktres at John Estrada. May mga nanliligaw na raw ngayon sa mga dalagang anak ni Janice kaya naman panay ang pangaral niya sa mga ito. “Ang sabi ko lang sa kanila, mag-ingat sila at kailangan huwag ibigay lahat. Hindi ko naman sila pwedeng pangunahan. Wala naman kasi akong magagawa do’n eh. Hindi ko naman sila maaawat magpaligaw. Hindi nga ako naawat ng mga magulang ko eh. Ako pa ba ang aawat sa mga anak ko? Parang wala naman akong credibility no’n. Basta hindi ako nagkukulang ng paalala sa kanila,” giit ng aktres. “Sinasabi ko rin sa kanila to think first, na mahirap kaya dapat mag-ingat sila. I told them na once you hand over your virginity, binigyan mo na sila ng lisensya to hurt you,” makahulugang pahayag ni Janice.  

Julia, hindi particular sa hitsura ng magiging boyfriend

Kapansin-pansin ang magandang hubog ng katawan ngayon ni Julia Montes. Paano kaya napananatili ng aktres ang kanyang magandang katawan? “Tinanggal ko na ‘yung crash diet. Siguro ‘yung mga hindi gano’n ka-committed sa gym. Kumbaga talagang ini-enjoy ko na lang ‘yung food. Nag-normal ‘yung metabolism ko that’s why siguro na nag-lose ako. I think ‘yun lang,” pagtatapat ni Julia.

May mga nag-aakalang mayroon nang karelasyon ang aktres pero ayon kay Julia ay wala raw siyang ibang inspirasyon ngayon kundi ang kanyang trabaho lamang. “Awkward siguro ‘yung tingin ng tao at showbiz ‘yung sagot pero mas lalo akong in love sa trabaho ko. So I think wala pang time sa love saka muna ‘yan. Talagang work muna,” pahayag ni Julia.

Ano kaya ang mga katangian ng lalaki ang gusto ng dalaga sa kanyang magiging kasintahan? “Sa physical hindi ako mapili. Sa perso­nality mabait sa magulang. In short parang hindi na huma­ba ‘yung parang ‘pag tinitingnan ko ‘yung sarili ko with him, parang okay siya bilang lalaki. Fa­mily oriented na kahit magkaroon siya ng anak responsible, mabait,” nakangiting sagot ni Julia. Reports from JAMES C. CANTOS
                       

vuukle comment

JANICE

JULIA

NAMAN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with