^

PSN Showbiz

Marvin at Jolens parehong maligaya sa kanilang balikan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magbabalik na sa ABS-CBN si Marvin Agustin dahil hindi na ito nag-renew ng kontrata sa kabilang TV network. Inaasahang mapapanood ang aktor sa isang teleserye sa mga susunod na buwan. “Nakakatuwa po na nakabalik ako kung saan ako nagsimula. Ang ABS-CBN po ang nagbigay sa akin ng malalaking break sa career ko at utang ko sa kanila kung nasaan man ako ngayon,” nakangiting bungad ni Marvin.

Kabilang ang aktor sa Flor De Liza na ididirek naman ni Wenn Deramas. Nagsimula na ring mag-taping si Marvin para sa nasabing proyekto. “Nakakapanibago na heavy drama ang mga eksena na kinuhanan namin kahapon. Nasanay kasi ako sa comedy at light roles lang pero heto ang bagong challenge sa akin bilang artista,” pagtatapat ni Marvin.

Samantala, may posibilidad din ang pagbabalik ng dating katambal ni Marvin na si Jolina Magda­ngal sa Kapamilya Network dahil mag-i-expire na rin daw ang kontrata ng aktres sa GMA. “Nagkakausap kami ni Jolens sa phone at natutuwa kami sa posibilidad na mag-reunion kami sa network na nagtiwala at nagbigay ng break sa amin noon,” kwento ng aktor.

Erich nangangarap nang magpakasal at magkaroon ng anak

Magtatatlong taon nang karelasyon ni Erich Gonzales ang non-showbiz nitong kasintahan. Ngayong sunud-sunod ang mga wedding proposals sa show business ay nararamdaman daw ng aktres na mangyayari din ito sa kanila. “Para sa akin hindi naman siyempre maiiwasan na do’n ‘yung tuloy ‘di ba? Kasi matagal na rin naman na po kami at seryoso naman po kami at bata pa ako at alam naman po niya at naiintindihan naman niya na marami pa akong gustong gawin sa buhay,” pahayag ni Erich.

Hindi raw nagmamadaling lumagay sa tahimik ang magkasintahan kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila. “Supportive lang siya. Kung anong gusto ko nandiyan lang siya naghihintay, so walang pressure. Saka hindi ‘yun minamadali, hindi porke’t uso o ‘yun ang in ngayon, go natin. Siyempre gagawin natin ‘yan kapag alam natin na handa na tayo, bukal sa puso. Hindi porke’t uso, ‘halika gawin na natin,’” paliwanag ng dalaga.

Inamin ni Erich na nagpag-uusapan na rin nila ng kasintahan ang planong pagpapakasal. “Ako, sinasabi ko siyempre, hindi naman ako aabot sa thirty siguro kasi gusto ko naman magsimula ng pamilya na hindi naman gano’n katanda na. Kasi para sa akin kapag nagkapamilya na ako ‘yun na talaga ‘yung priority ko eh. Magkaroon ng anak, maging asawa, pero malayo pa,” pagbabahagi ng aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ERICH

ERICH GONZALES

FLOR DE LIZA

JOLINA MAGDA

KAPAMILYA NETWORK

MARVIN

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with