^

PSN Showbiz

Jasmine walang planong layasan ang TV5

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May bagong soap sa TV5 si Jasmine Curtis-Smith, kaya mali ang tsika na lilipat na siya sa ABS-CBN. Gagawin nito ang Tagalog adaptation ng Koreanovela na My Fair Lady. Wala pang napipiling leading man ang network para sa kanya at pati yata director ay pinipili pa.

Sa January 2015 ang airing ng My Fair Lady , pambuwena-mano raw ng TV5, ibig sabihin, malapit na ang taping, kaya kailangan nang pumili nang makakapareha ng kapatid ni Anne Curtis. Bakit hindi hiramin uli sa ABS-CBN si Sam Concepcion?

Jonalyn ayaw na uling magparetoke

May concert dito sa atin si Mariah Carey sa October 28 at isa sa manonood sa kanya ay si Jonalyn Viray. Sabi ni Jonalyn sa interview sa kanya para sa repeat ng kanyang Jonalyn Viray Dares to be Fearless: The Repeat, kahit may mga negative na tsika tungkol kay Mariah Carey, hindi pa rin niya pa­lalampasin ang concert nito dahil ultimate idol niya ang singer.

Sa November 14, sa Music Museum pa ang repeat ng concert ni Jonalyn, may enough time pa siya na paghandaan ang concert para maging successful gaya sa unang concert. Si Dennis Marasigan pa rin ang director at sina Jaya, Thor at Tom Rodriguez ang kanyang guests.

Hindi pa alam ni Jonalyn ang repertoire niya, pero kailangan niyang pag­handaan kung two hours ang show at kung aabot sa 20 songs ang kakantahin. Sana isama sa repertoire niya ang humming ng mga kantang Bituing Marikit/Dahil Sa’Yo dahil tiyak na maghi-hit sa audience dahil boses lang niya ang mari­rinig, walang lyrics.

Walang balak si Jonalyn na may ipaa­yos sa mukha. Tama nang inayos ni Dra. Vicki Belo ang ilong niya at nakatulong sa self-imaging niya, pero tanggap niya kung ano ang meron siya. May make-up naman para ma-improve ang hitsura niya.

Ynna Asistio hindi na concious kahit wala ang pelikula sa billing

Ang billing lang ni Jo­ross Gamboa sa poster ng Dilim ang napansin ng press, pero pati name ni Ynna  Asistio hindi na­pansin. Saan nga ba nakalagay ang name niya? Mabuti pa sina Ella Cruz at Natalie Hart, maganda ang billing sa poster.

Sabagay, hindi naman yata masyadong concern si Ynna sa kanyang billing. Masaya na ito na kasama siya sa pelikula at may project habang tinatapos ang Broadcasting course sa CEU. Magtatapos muna siya bago mag-active uli sa TV.

Samantala, friends na uli sina Ynna at Mark Herras at sa last birthday ni Ynna, binati siya ng ex sa Instagram (IG). Nakiramay naman si Ynna nang mamatay ang daddy ni Mark at doon niya nakita ang baby ni Mark na si Ada.

Carmi inamin na ang pagpapa-botox

Nagulat ang ilang press people na inamin ni Carmi Martin sa presscon ng Beauty in a Bottle  na nagpapa-botox siya. Sila ang mga reporter na ina­minan dati ng aktres na nagpapa-botox siya, pero ipina-off-the-record.

Kaya kahit alam nila ang tungkol dito, hindi nila isinulat, pero aaminin din pala ni Carmi. Ang sabi lang nito. Hindi siya regular na nagpapa-botox at ipinagmalaking ‘yun lang ang beauty regimen niya dahil takot sa operasyon.

Ang nose niya ay original at nag-dare sa press na puwedeng hawakan ang ilong para patunayang hindi niya ipinaayos. Super alaga siya sa skin niya kaya flawless pa rin at careful sa kinakain dahil bumagal na ang metabolism niya nang magka-edad.

Anyway, showing sa October 29, ang Skylight-Quantum Films movie sa direction ni Antoinette Jadaone at makaka-relate ang kababaihang problema ang edad at hitsura sa pagtanda.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ANTOINETTE JADAONE

BITUING MARIKIT

JONALYN

MARIAH CAREY

NIYA

SIYA

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with