^

PSN Showbiz

Iya antipatika, negang-nega ang dating sa Most Beautiful, Raymart ayaw nang sakyan ang trip ni Claudine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kinumpirma ni Ciara Sotto sa presscon ng Cinemalaya entry ni Direk Carlitos Sigiuon-Reyna na Hari ng Tondo na 9 weeks pregnant na siya.

Sobrang excited ang mag-asawang Jojo Oconer at Ciara dahil matagal na rin daw nila itong hinihintay.

Sa loob ng apat na taon nilang pagsasama, two years ago pa raw silang nagpaplanong magka-baby at ngayon pa lang daw sila nakabuo, kaya nag-iingat siya.

Nagulat nga raw siya dahil nagsu-shooting na raw siya noon ng Hari ng Tondo nang nakumpirmang buntis na ito.

Ang pinaka-excited sa lahat, ang kanyang inang si Helen Gamboa na araw-araw daw nagbabantay sa kanya.

PAK: Antipatika ang dating ni Iya Villania sa press launch ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars na ginanap sa Elements sa Centris, QC nung kamakalawa ng hapon.

Sinisita niya ang reporters na nagtatanong sa mga stars ng isyu, kaya nawalan na ng gana ang mga reporter na magtanong.

Huwag na raw magtanong ng mga negative na isyu, pero siya naman ang negang-nega.

Totoo bang nagsisi ang mga taga-Yes! na siya ang kinuhang host sa naturang press launch?

BOOM: Hindi na nag-react si Raymart Santiago sa huling post ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account na kung saan ipinost nito ang binti niyang may mga pasa at sugat na unti-unti na raw gumagaling.

Sabi ni Raymart, hindi na raw siya nagpa-follow kaya hindi raw niya alam. Pero hindi na raw bago ito sa kanya. Hindi na raw siya nagugulat kung may mga bagong isyu na namang ibabato sa kanya.

 “Depende sa gising ‘yan eh,” natatawang pahayag ni Raymart sa story conference ng bagong drama series niyang Kahati ng Langit kasama si Jennylyn Mercado.

Sabi pa ng aktor: “Kasi, ayoko na ring sakyan ang mga trip nila. Mas mabuting nasa korte na rin ‘yan eh.

 “Naniniwala pa rin ako sa hustisya, doon dapat pinag-uusapan ‘yung mga kasong ‘yan. Hindi dapat sa Twitter, hindi sa Instagram.

 “Labas sila nang labas ng mga kung anu-ano, sasagutin ko naman ng side ko, tapos bigla naman silang tatahimik ‘pag pinakita ko. Ibang isyu na naman ang sasabihin nila sa mga tao, paiba-iba sila ng isip.”

vuukle comment

CARLITOS SIGIUON-REYNA

CIARA SOTTO

CLAUDINE BARRETTO

HARI

HELEN GAMBOA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with