^

PSN Showbiz

Jake at Bea kulang sa suporta ng GMA?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sinisimulan nang itapat ng fans sina Jake Var­­gas at Bea Bi­ne­ne kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Fee­ling ng fans ay lumebel ap na ang estado ng GMA love team dahil na­nalo itong Cele­brity Couple of the Year sa  katatapos na Yahoo! Celebrity Awards.

But I must admit, milya-milya na ang layo nina Daniel at Kathryn kina Jake At Bea. Unang una,  may mga successful love team movies na sila. Sa TV pa lamang sinisimulan ang  love team nina Jake at Bea at hindi pa sila sinesentruhan ng publisidad ng network. Kailangan pa sigurong kakitaan sina Jake at Bea ng mas malaki pang potensyal bilang isang pareha bago sila sugalan ng istasyon. Kaya kayong fans, easy lang kayo. Huwag kayong magmadali. Kung talagang sisikat ang mga idolo n’yo, mangyayari rin ito.

Samantala, dasal ko rin na bigyan pa sila ng programa ng Siete para mas makilala pa sila. Gaya nang ginagawa ng ABS-CBN kina Daniel at Kathryn.

Talo man sa Spain, Uge nauna nang nagwagi sa Japan

Eh ano kung natalo sa pag­ka-best actress si Eugene Do­mingo sa sinalihang film festival sa Madrid, Spain ng peli­kula niyang Mga Kuwentong Barbero (The Barber’s Tales)? Hindi na­man umuwing luhaan ang movie, nanalo naman ang direktor ng movie na si Jun Lana ng Best Director of a Fo­reign Language Film. Saka nanalo naman ng Best Actress si Uge sa Tokyo International Fim Festival para sa nasabi ring pelikula.

Niño nabuhayan ng loob sa bunsong si Alonzo

Aba at may isa palang anak si Niño Muhlach na su­masabak sa pag-aartista! Balitang kasama ito sa episode ni Ryzza Mae Dizon sa pang-MM­FF 2014 entry ni Vic Sotto. Baka rin daw ma­ging Ding ito ni Darna sa muling pagbabalik-pelikula o TV ng babaeng lumilipad ni Mars Ravelo.

I’m sure excited na naman si Onin sa kanyang bunso. Hindi kasi natuloy sa pag-aartisya ‘yung pa­nganay niya. Kaya dito kay Alonzo, nabigyan siya ng bagong pag-asa.

 

vuukle comment

ALONZO

BEA

BEA BI

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BUT I

COUPLE OF THE YEAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with