^

PSN Showbiz

Melissa puro karne na lang ang kinakain para pumayat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi ngayon napapanood si Melissa Ricks sa telebisyon mula nang magtapos ang teleseryeng Honesto na kinabilangan ng aktres kamakailan. Aminado si Melissa na ngayong wala siyang ginagawang proyekto ay pinaghahandaan naman niya ang kanyang pagbabalik-telebisyon. “Right now vacation, relaxing. Back to Mission Impossible ako. Nagpapapayat, nagpapaganda for the next project. For the longest time talaga problem ko ang weight. I don’t know why. Hindi naman ako malakas kumain so right now more exercise, healthy eating and more sleep, naghahanap ng mga paraan so ‘yun,” nakangiting pahayag ni Melissa.

May ilang mga ginagawa ang dalaga nga­yon upang mabawasan ang kanyang timbang. “Naka-all meal diet ako. So every two hours, kumakain lang ako ng meat. 100g of meat every 2 hours so konti lang. Pwede siyang chicken meat, basta mga karne,” pagbabahagi ni Melissa.

Matatandaan na naging kasintahan ng aktres si Paul Jake Castillo at nagkahiwalay sila walong buwan na ang nakararaan. Depresyon kaya ang naging sanhi kung bakit nadagdagan ang timbang ni Melissa? “I don’t think so. Lahi talaga namin malaki. So I think ngayon pa lang pumapasok and kaila­ngan talaga mag-gym ako, mag-diet. If I eat regularly, lumalaki talaga ako. So kailangan diet lang talaga lagi. I am fixing my diet pero I just started, so patience for me. With hard work naman comes results so I believe,” sagot ng dalaga. 

Toni at Bianca walang magawa kahit gusto uling makasama si Mariel

Sa Linggo ng gabi ay muli na namang magbubukas ang Bahay ni Kuya na mas kilala bilang Big Brother House upang salubungin ang pinakabagong Housemates nito. Sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez pa rin ang pangunahing hosts ng PBB Pinoy Edition. Matatandaang nakasama ng dalawa noon ang kaibigan nilang si Mariel Rod­riguez sa nasabing programa.

Para kina Toni at Bianca ay mas masaya raw sana kung muli nilang makakasama si Mariel. “Ako I would love to kasi lagi kong kausap si Mariel about the possibility of her coming back,” naka­ngiting bungad ni Bianca. “Ako I’m very open to the possibility talaga. Anything can happen especially na empleyado lang po kami ng ABS-CBN. Of course she will always be family. No one can ever take her place,” pahayag naman ni Toni.

Kahit napapabalitang magbabalik si Mariel sa Kapamilya network ay hindi naman daw masa­sabi nina Bianca at Toni na silang dalawa ang dapat masunod. “Siyempre gusto namin hindi naman ‘yun ang masusunod kasi ang daming layers of conside­ration hanggang sa kataas-taasan ng mga bosses. Siyempre the management will know this,” paliwanag ni Bianca.

“We’re actually grateful na for the ninth year of Pinoy Big Brother eh napagkakatiwalaan kami together with other new hosts. Saka every season talaga I’m just really grateful na kami pa rin ang magkakasama. ‘Yun din nakadepende rin kami sa de­sisyon ng management namin,” dagdag ni Toni.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

AKO I

BIANCA

BIANCA GONZALEZ

BIG BROTHER HOUSE

IF I

MARIEL

MARIEL ROD

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with