^

PSN Showbiz

Janet Napoles sinapawan ng haircut ni Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naloka ako nang magbasa ako kahapon ng mga diyaryo dahil tungkol sa pagpapagupit ni Kris Aquino ng buhok ang mga headline.

Nagpaigsi lang ng buhok si Kris, big deal  na? Ganyan na ba talaga kababaw ang mga Pilipino? Natatakot na talaga ako para sa ating bayan na national issue ang pagpapagupit ng buhok ng isang TV host. Napaghahalata ang pagiging tsismoso at ang kababawan ng mga Pinoy.

Nasapawan pa ng news tungkol sa haircut ni Kris ang mga balita tungkol sa pasya ni Janet Napoles na isiwalat ang mga nalalaman niya sa pork barrel scandal. Hindi ko alam kung dapat matuwa o ma-insecure si Janet kay Kris!

Mga Lumen naniniwala sa mali-maling balita

Heto pa ang isang example ng kababawan ng iba nating mga kababayan na pinaniwalaan agad ang balita na hindi na kailangan ng visa para ma­kabiyahe sa Amerika.

Imbes na mag-imbestiga o magtanong sa U.S. Embassy, mas pinili ng mga Lumen na mag-rejoice at paniwalaan ang hoax na pinagpapasa-pasahan sa social media.

I’m sure, itatanong pa ng mga Lumen ang ibig sabihin ng Lumen? Eh ‘di low mentality!!!

Napakarami nang paraan para ma-confirm kung true or false ang mga tsismis. Ewan ko ba kung bakit mas minamabuti ng ibang tao na maniwala at magpabola sa mga news na ikinakalat ng mga nilalang na hindi nila personal na kilala. Ang cheap-cheap talaga!  

AIAI, kailangan nang bumalik

Ngayon ang balik ni AiAi delas Alas mula sa Amerika. Hindi puwedeng mag-stay nang matagal sa U.S. si Ai Ai dahil kaila­ngan na ito sa taping ng Dyesebel at hindi puwedeng wala siya sa importanteng event na mangyayari sa weekend.

Saka ko na sasabihin ang event na mahalaga na mortal sin kapag na-miss ni AiAi.

Lumipad si AiAi sa California noong nakaraang linggo dahil dumalo siya sa 18th birthday ng kanyang anak na si Sophia. Hindi makapaniwala si AiAi na dalagang-dalaga na ang youngest daughter niya na ayaw nang bumalik sa Pilipinas  dahil mas gusto na mag-aral sa Amerika. Kasama ni Sophia sa U.S. ang kanyang tatay na si Miguel Vera na kagagaling lamang sa Pilipinas at naloka sa traffic situation sa Metro Manila.

Aljur ayaw nang patulan ang isyung ‘relasyon’ nila ni Louise

Maliban sa pagganap bilang  Kevin sa Kambal Sirena ng GMA 7, tiyak na aabangan si Aljur Abrenica ng kanyang fans sa karakter na gagampanan niya sa indie movie na Cain at Abel. 

Si Adolf Alix Jr. ang direktor ng Cain at Abel. Makakasama ni Aljur sa pelikula si Alden Richards, matapos ang guesting nila sa isang episode ng Magpakailanman.

 â€œI am looking forward to work with Alden again. We got close when we worked together as brothers in Magpakailanman. Excited akong makatrabaho siya ulit dahil this time, iba ang mga role namin. Mas challenging, mas mature at daring,” ang sey ni Aljur.                           

Hindi na pinatulan ni Aljur ang mga intriga na nagkakamabutihan sila ni Louise delos Reyes, ang leading lady niya sa Kambal Sirena.

Kesa mag-react at i-dignify ang tsismis, naka-focus ang atensyon ni Aljur sa tapings ng Kambal Sirena.

vuukle comment

AI AI

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AMERIKA

KAMBAL SIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with