^

PSN Showbiz

Daniel Matsunaga nag-demand ng P50K na TF para ma-interview ni Heart

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sayang, hindi natuloy ang pagkikita ng mag-ex na sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga sa Startalk kahapon. Ang rason ng naudlot na reunion ng dating mag-syota, ang OA na talent fee ni Daniel. Aba, nagde-demand daw ang kampo ng Brapanese actor ng P50,000 sa isang simpleng pag-apir sa nag-iisang showbiz TV talk show sa kasalukuyan.

Usually daw kasi, P15,000 lang ang TF ng mga naggi-guest sa prog­rama kasi nga naman magpo-promote lang at maganda ring exposure sa kanila. Pero hindi raw talaga matawaran ang P50k na hinihingi ng manager ni Daniel na si Jonas Gaffud.

Kaya nga naimbiyerna ang mga taga-Startalk, ayon sa isa sa mga host, dahil hindi man lang sila pinagbigyan samantalang ’pag kaila­ngan nga naman ay tinutulungan nila ang kampo ni Daniel.

Well, well, baka takot lang si Daniel kay Sen. Chiz Escudero. Kaya lang mas malaking hindi hamak ang katawan ni Daniel kay Sen. Chiz ha? Hahaha!

Shaina at Piolo laging magkadikit sa London

Isang buwang punung-puno ng saya, sorpresa, at pagmamahal ang mapapanood sa 2013 December Blast special ng ASAP 18 na katatampukan ng ASAP That’s Xmas, ASAP Gives Back, ASAP Diyes Is It, at ASAP Pop Viewers Choice Awards na gaganapin na ngayong Linggo (Disyembre 8).

Bukod sa paggawad ng parangal sa mga nanalo sa kategoryang Pop Music, Pop Movies, Pop Astig, at Pop Kapamilya TV, magdadagdag kasiyahan din ang Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida; Galema  lead stars na sina Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, at Derrick Hubalde; Teen King ng Philippine Showbiz na si Daniel Padilla; at box-office star na si Vice Ganda.

Astig na tribute ang handog ng ASAP mainstays na sina Bamboo, Yeng Constantino, KZ Tan­dingan, at Piolo Pascual para sa OPM legendary band na Juan dela Cruz sa pangunguna ng vocalist nito na si Mike Hanopol; habang isang special musical treat naman ang inihanda nina Lani Mi­salucha, Klarisse de Guzman, at Morisette Amon para sa musika ng Jukebox Royalty na si Didith Reyes. Mayroon ding kaabang-abang na Christmas treat ang international singer-songwriter na si David Pomeranz kasama sina Juris, Nikki Gil, at Martin Nievera.

Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman ng viewers sa special performance ng KimXi love team nina Kim Chiu at Xian Lim; at sa kaabang-abang na production number ng Kapamilya teen stars na sina Julia Barretto, Janella Salvador, Jane Oi­neza, at Ella Cruz kasama ang pinakabagong Star Magic teen boy group na Gimme 5 na pangungunahan ni Nash Aguas.

Abangan din ang ultimate concert expe­rience na ihahatid nina Charice, Erik Santos, Jed Ma­dela, at ng ASAP Sessionistas; na susundan ng lumalagablab na dance showdown nina Enrique Gil, Enchong Dee, Maja Salvador, John Prats, Iya Villania, Empress, at Cristine Reyes sa Supahdance. 

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang sayawan at kantahan sa ASAP center stage sa bonggang birthday celebration para sa Kapamilya leading lady na si Shaina Magdayao na kadara­ting lang ng bansa galing London, England para sa isang One Kapamilya Go! ng TFC. At in fairness sa aktres, lagi silang magkadikit ni Piolo Pascual sa mga picture nila na lumabas sa social networking sites ng mga kasama nila. Nagkita rin sila roon ng best friend niya na si Se­rena Dalrymple na nag-aaral naman sa London. Last November pa ang birthday ni Shaina.         

vuukle comment

ARIELLA ARIDA

ASAP

CHIZ ESCUDERO

CRISTINE REYES

DANIEL

DANIEL MATSUNAGA

PIOLO PASCUAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with