Seminar ni Pfaff tagumpay
MANILA, Philippines — Inaasahan ang pagbabago sa mahigit 50 national coaches at athletes na dumalo sa dalawang linggo na Ayala-Pfaff Advance Coaching Course in Athletics sa Philsports Complex sa Pasig City.
Ayon kay world-class athletics coach at lecturer Dan Pfaff na malaki ang potensiyal ng mga Filipino athletes na mamayani sa medal-rich athletics events dahil hindi ito nangangailangan ng matatangkad na atleta.
Nasa ikatlong araw pa lang ang pagtuturo ni Pfaff sa nasabing training-seminar kung saan inilarawan niya ito na gaya sa pagtatanim ng buto.
Si Pfaff na taga-Arizona, USA ay isang professor at coach sa World Athletics Center sa USA.
“His (Pfaff) reputation precedes him. We believe he’s most appropriate to prepare us for 2018 Asian Games and we’re looking beyond immediate terms and beyond the Asian Games,” ayon kay PATAFA head Philip Ella Juico.
Ang naturang coaching seminar ay inoorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni Juico at sinusuportahan ng Ayala Corporation para bigyan diin ang scientific studies sa pag-develop sa atleta sa pamamagitan ng sports psychology, nutrition at biomechanics.
- Latest