^

PSN Palaro

MPBL cagefest live sa ABS-CBN S+A

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ito na ang pagkakataon ng mga nangangarap at mga dating varsity o professional cagers na muling madiskubre sa pagdribol ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senator Manny Pacquiao sa ABS-CBN S+A.

Magsisimula ang MPBL sa Enero 25 sa Smart Araneta Coliseum at mapapanood nang LIVE sa S+A at S+A HD, ayon kina ABS-CBN Sports head Dino Laurena, ALV Events International chairman Arnold Vegafria at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes.

“Ngayon, anuman ang antas sa buhay, basta may talento at pagmamahal sa basketball, pwede nang ipakita ang galing sa court,” wika ni Vegafria, ang business manager ni Pacquiao at nagsisilbing overall head ng MPBL.

Ipapalabas ang mga aksyon sa MPBL tuwing Martes, Huwebes at Sabado mula alas-7 hanggang alas-11 ng gabi.

“Natural lamang sa amin na magsama-sama dahil sa pareho naming kagustuhan na maiangat ang ating mga atleta at ang sports ng bansa. Tamang-tama rin ito dahil ngayong taon, ika-20 na taon na sana ng MBA (Metropolitan Basketball Association), na pareho rin ang konsepto at layunin sa MPBL,”  sabi ni Laurena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with