PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gesta kayang maging world champion--Roach

MANILA, Philippines — Katulad ni Manny Pacquiao, kumpiyansa rin si chief trainer Freddie Roach na magiging isang world boxing champion si Filipino boxer Mercito "No Mercy" Gesta.

Nakatakdang hamunin ni Gesta si Jorge Linares ng Venezuela para sa suot nitong World Boxing Association lightweight title sa Enero 27 sa The Forum sa Inglewood, California.

“I feel we can win this fight,” wika ng multi-awarded trainer sa tsansa ni Gesta na mahubaran ng korona si Linares. “This is a good opportunity for us, and we have to take advantage of it as much as we can.”

Dadalhin ni Gesta ang kanyang professional record na 31 wins, 1 loss at 2 draws tampok ang 17 knockouts habang dala ni Linares ang 43-3-0 (27 KOs).

Ito ang ikalawang pagkakataon na susubukan ni Gesta, ipinanganak sa Cebu at nakabase nga­yon sa United States, na makapagsuot ng world title.

Nauna siyang nabigo kay Miguel Vazquez noong 2012 --ang kanyang unang kabiguan sa pro boxing career - para sa International Boxing Federation lightweight crown kasunod ang pagpapanalo niya sa lima sa huling laban.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“We're going over a lot of strategy,” sabi ni Roach sa ginagawa nilang preparasyon ni Gesta. “We started sparring, and it went well.”

“We still have a lot of time to work a little more. He's looking good so far,” dagdag pa ng Hall of Fame trainer,”dagdag pa ni Roach.

Inaasahang gagamitin ni Gesta ang kanyang eksperyensa bilang dating sparring partner ni Linares para biguin ang Vene­zuelan titlist.

“Although he has improved, I know him well,” ani Gesta sa naunang pa­nayam.

Hangad ni Gesta na maging ikatlong Pinoy na world boxing champion matapos sina International Boxing Federation flyweight king Donnie 'Ahas' Nietes at IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: