^

PSN Palaro

Stalzer babalik sa Petron

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Stalzer babalik sa Petron

Lindsay Stalzer

MANILA, Philippines — Magbabalik si Lindsay Stalzer sa 2018 Philippine Superliga Grand Prix.

Ito ang inihayag ng American import ng Petron na nagpahiwatig na gustong makaresbak sa susunod na edisyon ng Grand Prix.

Wala pang pormal na anunsiyo ang kampo ng Petron dahil pinaplantsa pa ang bagong kontrata nito.

Nakipag-usap na si Stalzer sa Petron kaya’t posibleng tuloy na tuloy na ang kanyang pagbabalik-aksiyon sa Grand Prix na nakatakdang magsimula sa Pebrero base sa bagong kalendaryo ng liga.

Karaniwan nang gina­ganap ang Grand Prix sa huling bahagi ng taon subalit nagpasya ang pamunuan ng PSL na  ilipat ito sa season opening confe­rence upang makasabay sa international schedule sa ibang bansa.

Bigo si Stalzer na dalhin ang Blaze Spikers sa kampeonato matapos yumuko ang kanilang tropa sa F2 Logistics sa best-of-three championship series noong Sabado.

Kaya naman tila mas napadali ang pagbibigay ng desisyon kay Stalzer dahil nais nitong makaresbak at makuha ang korona para sa Petron.

Bago maglaro sa kampo ng Blaze Spikers, tinulungan nito ang Foton Tornadoes sa pagkopo ng back-to-back titles noong 2015 at 2016.

Itinanghal pa itong MVP may dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa taong ito, itinanghal si Stalzer bilang Second Best Outside Spiker.

Wala pang linaw kung muli nitong makakasama si Hillary Hurley.

Kaliwa’t kanan ang hi­ling ng ilang Petron fans na kunin si super import Stephanie Niemer upang higit na palakasin ang puwersa ng Blaze Spikers.

Nagsilbing import ng Petron si Niemer noong nakaraang taon subalit kina­pos ang kanilang tropa laban sa Foton na siyang dating koponan ni Stalzer.

Naging bahagi rin sina Stalzer at Niemer sa PSL Selection na naglaro sa FIVB Women’s World Club Championship na ginanap sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with