^

PSN Palaro

Bagets

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagbanggit na ng mga pangalan si MVP at si coach Chot Reyes para sa Gilas lineup sa 2023 FIBA World Cup.

Out ang mga datans.

Anim na taon pa nga naman kasi bago ganapin dito sa Pinas ang World Cup. Eh gurang na ang iba sa mga players natin ngayon kung sila pa rin ang gagamitin.

Si Jason Castro na lang. Sa edad na 30 ay baka retired na siya bago mag 2023. Ganun din si Andray Blatche (30) o Japeth Aguilar (30) o si Calvin Abueva (29).

Nabanggit ni MVP, ang boss ng PLDT, Smart at Gilas, sila Roger Pogoy, Kiefer Ravena at Thirdy Ra­vena. Pwede rin sila Terrence Romeo, Troy Rosario, Jio Jalalon, Carl Brian Cruz o Kevin Ferrer na puro 25 pababa ang edad.

Si Greg Slaughter ay 29 na rin so baka mahirapan na sa 2023. Kaya sa big men natin, mukhang si June Mar Fajardo na lang ang pwede rin dahil 27 pa lang siya.

Kung hindi pa siya laspag by then.

Magiging susi rin ang naturalized players. Parang sa tono ni MVP ay gusto niyang kumuha ng dalawa. Kailangan natin ng malaki at malakas maglaro.

‘Wag yung malaki ang ulo at malakas lang kumain.

Yung mga tipo sana ni Blatche na mas bata.

Ngayon pa lang ay gusto na simulan ni coach Chot ang pagbuo sa kanyang isip ng lineup.

“Hindi pwede sa 2021 o 2022 natin ito simulan,” sabi niya.

May go-signal naman kay boss MVP kaya siguradong ngayon pa lang ay tutok na ang mga mata ni coach Chot at ng marami niyang assistants sa paghahanap ng mga players.

Yung mga bata at magaling.

Mabuti na yung maaga pa lang ay hawak na natin ang baraha natin.

Kwadro alas ang kailangan natin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with